top of page
Search
BULGAR

Aktres, sobrang ninerbiyos, Sarah... BARBIE, BAWAL TANUNGIN TUNGKOL KAY RICHARD

ni Nitz Miralles @Bida  | July 12, 2024



Showbiz News

Sa simula pa lang ng mediacon ng How To Slay A Nepo Baby, ipinaalala nang "no personal questions" at kahit hindi binanggit kung para kanino ang paalala, alam nang para ‘yun kay Barbie Imperial. Sila kasi ni Sue Ramirez ang mga bida sa Happy Infinite Productions film sa direction ni Rod Marmol.


Si Barbie na rin siguro ang nakiusap not to ask her personal questions lalo na kung tungkol kay Richard Gutierrez. Saka, sa simula pa lang, inamin nitong “Ninenerbiyos ako papunta rito,” dahil alam niyang tatanungin siya about Richard.


Dahil sa pakiusap, wala ngang nakalusot na tanong about her and Richard at naka-focus sa movie ang Q&A na okay din naman. 


Ang nakalusot lang na tanong patungkol sana kay Richard ay kung sino ang gusto niyang mag-like ng trailer ng How To Slay A Nepo Baby


Sagot nito, friends niya na safe answer pa rin. 


Ang abangan na lang natin ay kung ila-like ba ni Richard ang magandang trailer.

May tanong pa kay Barbie kung bakit glowing siya ngayon at sorry sa press dahil walang trace ng kanyang love life ang sagot nito.


Sagot ni Barbie, “Nagwo-workout kasi ako and no rice ako. Kung may rice man ako, shirataki rice at kahit anong ulam, kinakain ko. Focused din ako sa trabaho para mabigyan ng mga kailangan n’ya ang mom ko.”


Towards the end of the mediacon, may sinabi si Barbie na, “Na-appreciate ko ang respeto n’yo,” dahil nga sinunod ang pakiusap na no personal questions. 


Siguradong kung nabigyan ng chance ang press, tatanungin siya tungkol sa kanyang love life at ang pagla-like ni Richard sa photo post niya sa Instagram (IG) na nasa pool siya in her two-piece swimsuit.


 

MAGTATAPOS sa July 26 ang Black Rider at may emotional post si Ruru Madrid na ramdam mong nalulungkot siya sa pagtatapos ng action-packed series na kanyang pinagbibidahan. 


Appreciation post niya rin ito para sa mga nakasama mula sa directors, staff, crew at co-stars.


“Napakarami kong natutunan sa loob ng isang taon. Maraming bagong kaibigan at mga kasama na siyang nagbigay ng aral at inspirasyon sa ‘kin para lalong pagbutihin ang aking ginagawa.


“Hindi man sa lahat ng pagkakataon ay nakakasama at nakakausap ko kayo, pero sobra akong nagpapasalamat sa bawat isa na naging parte ng proyektong ito.


“Kung bibigyan ako ng pagkakataon muli na pumili kung sino ang gusto kong makasama sa proyektong ‘to, kayo pa rin ang pipiliin ko. Kahit na mahirap ang ating lalakbayin, alam ko na kakayanin natin.


“Kaya muli, maraming salamat sa inyo sa pagmamahal, suporta, at talento na inyong ibinigay para dito sa Black Rider. Mahal ko kayo,” pahayag ni Ruru.


Kasamang pinasalamatan ni Ruru ang mga viewers na one year ding tumutok sa series. Ang suporta raw ng viewers ang dahilan kung bakit tumagal ang series.


After serye, ang pagbabalik ng Lolong ang paghahandaan ni Ruru at baka nga mag-guest din siya sa Sang’gre. Kapag nangyari ito, matutuwa ang mga fans nila ni Bianca Umali dahil magkakasama sila sa isang proyekto.


 

Adik daw kaya pumayat…

BILLY, NAGHAMON NG DRUG TESTING 


Billy Crawford sa GMA Integrated News

Sa interview ni Nelson Canlas kay Billy Crawford sa 24-Oras, muli nitong itinanggi ang tsikang gumagamit siya ng illegal drugs kaya siya pumayat.


“It’s like a circle sa buhay ko. It’s a non-stop conversation about my ‘nutrition’ or my diet. I’m not on a diet,” pahayag ni Billy.


“It used to faze me, it used to get me. It used to… may kurot nang konti. Pero now, it really doesn’t anymore. Nakakatawa na lang,” patuloy ni Billy.


“Sa mga nakakakilala sa ‘kin, I am by far one of the few artists [who] are the ones who don’t try drugs. We can all take a strand of our hair and do tests ngayon din. Puwede kong hamunin lahat ng tao rito ngayon. No problem, I have nothing to hide.


“Hindi po ako adik, adik ako sa pamilya ko. Adik ako sa trabaho ko and that’s it. I’m living, I think, my life to the fullest right now,” dagdag pa niya. 


Nabanggit din ni Billy sa interview na five years na siyang sober at sa loob ng limang taon, hindi siya uminom ng alak at hindi naninigarilyo.


“With God’s help and God’s grace, I did it. So I think everyone is allowed and able to change. You can change,” ayon pa kay Billy.


Samantala, babalik si Billy bilang isa sa mga coaches ng The Voice Kids Philippines na mapapanood na sa GMA-7.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page