ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 6, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_132941d319bd4451b1300b3626936b47~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_132941d319bd4451b1300b3626936b47~mv2.jpg)
Totoo kayang hiwalay na talaga sina Dominic Roque at Bea Alonzo?
Ito ang tsika ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog na aniya ay ayon daw sa kanyang source.
Actually, marami raw siyang sources sa isyung ito at ang isa raw ay sinabing hiwalay na ang BeaDom.
“Sabi ng isa kong source, wala na sila, hiwalay na sila,” aniya.
“'Yung Japan nila, huling post na nila ‘yun. Wala na. Kaya inaabala na lang ni Bea ang kanyang sarili. Bini-busy na lang ni Bea daw ang kanyang sarili,” dagdag pa ni Ogie.
Matatandaang nag-Japan sina Bea at Dom last December at umuwi nitong January.
Ayon pa raw sa kanyang source, “Bago pa kayo mag-Korea, Ogie, wala na sila.”
Sey naman ni Mama Loi, “Ay, kelan ba tayo nag-Korea, January 26?”
Pero sa ngayon daw, sinusuyo ni Dominic si Bea.
“Ang sabi ng aking source ay sinusuyo pa rin ni Dominic Roque si Bea Alonzo para sila’y magkaayos,” he said.
Pero may isa naman daw siyang source na nagsabing tuloy pa rin naman ang kasal ng BeaDom at ang nakarating nga raw sa kanya ay sa September ito gaganapin sa Spain.
Matatandaang umingay ang tsikang nagkakalabuan sina Bea at Dom nang mapansin ng mga netizens na hindi suot ng aktres ang kanyang engagement ring.
Lalo pang lumakas ang espekulasyon nang makapanayam ng mga reporters si Bea sa launch ng isa niyang endorsement at walang maibigay na detalye ang aktres tungkol sa kanilang kasal.
“Wala pa, wala pa talaga,” ang paulit-ulit na sey ni Bea nang matanong sa updates ng wedding.
Pero ang maganda naman, pina-follow pa rin ng dalawa ang isa’t isa sa social media.
Hintayin na lang natin ang pahayag nina Bea at Dom tungkol sa isyung ito.
Comments