ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 8, 2024

Ibinida ni Andrea Brillantes ang kanyang short hair era.
Nasorpresa ang mga netizens nang makita na maigsi na ang dating long hair ng actress.
Aniya sa kanyang IG account, “New haircut.”
Masaya raw siya sa bagong haircut at wala siyang regrets na nagpagupit nang maigsi.
Na-shocked ang ina ng young actress nang makita niya ang bagong style ng hair ng anak.
Agad niyang tinanong si Blythe, “Ba’t ka nagpagupit? Kaya pala hindi n'yo ako isinama sa Timog,” habang nakabusangot ang mukha.
Pero si Kyle Echarri na rumored BF ngayon ni Andrea ay nagustuhan ang new look ng aktres.
“I knew it! Oh, my gosh, ang ganda mo… I love it. I like it so much. I think it’s so nice,” sambit ng actor.
Walang nakakaalam na nagpaigsi ng buhok si Andrea. Even ang friend niyang si Bea Borres ay na-surprise.
“Oh, my God. You cut your hair? 'Di ba sabi ko sa 'yo, 'wag? Next couple of days you’re gonna be like ‘I miss my long hair’… [Anyway, you’re] so beautiful,” pakli ni Bea.
Maging si Dra. Vicki Belo ay nagkomento, “I like it, it's so fresh.”
“Slayyyyyyyyyyyyy kahit ano'ng gupit woiiiiii apaka ganda pa din,” dagdag naman ng isa niyang fan.
May nagtanong tuloy kung ang bagong hairstyle raw ba ay may koneksiyon sa ginagawang project ngayon ni Andrea?
‘Yan po ang hindi namin masasagot.
Comments