ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 16, 2025
Ang selosa ng ibang mga fans ni David Licauco, ayaw nilang mali-link ang aktor sa mga nakakatrabaho nito. Kahit nga si Barbie Forteza na ka-love team ng aktor, bina-bash pa rin ng ayaw sa kanya para kay David, kahit sa trabaho lang.
Nang mapanood ng ilang mga fans ang reels na nagdya-jogging sina David at Sanya, may mga nag-react at nagtampo. Na-bash din si Sanya at inakusahang may crush sa aktor.
Sa Pulang Araw (PA) pa lang, iniisyu nang crush ni Sanya si David.
Kaya lang naman sila sabay nag-jogging ay dahil magkasama sila sa shooting ng movie na Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) na collab ng GMA Pictures at film company ni Chavit Singson, na kundi kami nagkakamali, ang original title ay
Barkadahan ng Makasalanan (BNM).
Nagkaroon ng free time ang dalawang Kapuso stars sa shooting ng movie ni Director Benedict Mique at nagkayayaang mag-jogging.
Wala namang masama, kaya lang, may mga nagtampo at may mga not so nice comments.
Paano ‘yun, dalawang movies pa naman yata ang pagsasamahan nina Sanya at David, mae-extend ang inis at tampo ng mga fans sa aktres.
Sino kaya ang gusto ng mga fans na makapareha at makasamang mag-jogging ni David kung ayaw nila kina Barbie at Sanya? Single si David Licauco ngayon at mali-link talaga siya, hindi man kina Sanya at Barbie kundi sa iba pang girls.
KASAMA na sa listahan ng soldout concert artists ang banda from Baguio na Cup of Joe. Within four hours released of the tickets for their Silakbo concert at the Smart Araneta Coliseum, nag-soldout na agad.
‘Yung one-night concert dapat sa February 8, 2024, naging two-night concert, kaya may Feb. 9 pa silang show at soldout pa rin.
“Excited,” “grateful, “masaya” at “kinakabahan,” ‘yan ang reaction ng Cup of Joe na may concert na nga sila sa Big Dome, dalawang gabi pa.
Sabi naman nina Gian Bernardino, Rafael Ridao (both vocals), Gabriel Fernandez (lead guitar), CJ Fernandez (rhythm guitar) at Xen Gareza (keyboards), kaya nila at handa na sila sa two-night concert. Wala sa interview ang drummer na si Elian Skia.
Directed by Paolo Valenciano, two hours tatakbo ang concert at kasama sa repertoire ang songs from their first album gaya ng Nag-iisang Muli na nagpasikat sa kanila, and songs from their new album Silakbo to be released on Friday, January 17.
Maganda ang carrier single na title rin ng concert ng COJ, their own compositions and for sure, maganda rin ang ibang songs gaya ng Bubog at Multo.
Sa tanong kung ano ang feeling na maging “soldout” artists, sagot nila, “Hindi pa rin kami makapaniwala. Nakakatuwa at nakakagulat dahil Araneta na ito. Salamat sa supporters namin na nakaka-appreciate ng aming music. Sa Jowahs (tawag sa kanilang fans), maraming-maraming salamat,” sabi ng Cup of Joe.
TANONG ng fans, ang bahay ba nina Yassi Pressman sa Antipolo ang ginawa niyang Airbnb at tinawag niyang Cabana Yassi?
Sabagay, malaki para sa kanila ng sister niyang si Issa Pressman ang bahay, puwede silang mag-rent na lang ng condo at gawing negosyo ang bahay nila.
May four bedrooms, four bathrooms, full kitchen, big dining room, pool, gym, office room, movie room, patio backyard at may climbing wall pa. Sa Airnbnb listing, ang per night rates ay P29,600.
May mga nag-iisip naman na baka magpapakasal na sina Yassi at Gov. Luigi Villafuerte at maiiwang mag-isa sa malaking bahay si Issa, unless, magpakasal na rin sila ni James Reid.
Parang may nabasa kami na may property din sa Australia si Yassi for Airbnb din. Ibig sabihin, negosyante talaga siya. Isa lang daw ito sa mga na-invest na property ni Yassi at dahil patuloy pa siyang nagtatrabaho, madaragdagan pa ang investment niya.
Kaya unfair na sabihing ang pagiging mayaman ng boyfriend ang habol niya.