top of page
Search
  • BULGAR

Aktres, lalayas na raw sa GMA-7… HIRIT NG MANAGER NI JENNYLYN: 'WAG MANIWALA SA FAKE NEWS

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 2, 2024



Showbiz news


Agad na binasag ng kampo ni Jennylyn Mercado ang balitang lilipat na siya sa ABS-CBN kaya wala siya sa Station ID ng GMA-7.


Nag-post sa kanyang X (dating Twitter) account ang general manager ng Aguila Entertainment (AE) na si Jan Enriquez ng, “Nakakaalarma na talaga ang fake news na ganito. Safest to rely on legitimate news sources like Inquirer, Star, ABS, GMA etc. Journalism is a profession. ‘Wag tayo magpapaniwala agad, always fact check.”


Ang Aguila Entertainment ay pag-aari ng mag-inang Becky at Katrina Aguila at katuwang nila si Jan sa pagma-manage ng karera ng kanilang mga artists tulad nina Jennylyn, Dennis Trillo, Nikko Natividad, Aljhon Lucas, Martin Escudero, Zeinab Harake, Beauty Gonzales, Nico Antonio at marami pang iba.


Sa pagkakaalam din namin ay tumatanaw ng utang na loob ang singer/actress sa GMA-7 na siyang nakadiskubre sa kanya sa pamamagitan ng StarStruck Season 1 nu’ng 2003. 


Binalikan ng tanong si Jan ng netizen kung bakit nga wala si Jennylyn sa Station ID at sinagot ito na hindi nagtagpo ang schedule ng shoot, dahil may kasabay itong commitment ng aktres.


Pero, hindi lang naman kay Jennylyn nangyari ang ganito, marami ring sikat na artista dati ang Kapuso Network na wala rin sa Station ID dahil hindi nagtama ang schedule at gayun din sa Kapamilya channel na marami ring artista na hindi naka-join dati sa Station ID.


Nadamay din ang asawa ni Jennylyn na si Dennis sa isyu dahil sumagot daw ito ng, “May ABS (ABS-CBN) pa ba?” nang tanungin ng netizen kung lilipat ang aktres sa Kapamilya channel.


Sa pagkakakilala namin sa aktor ay hindi ito ganito sumagot dahil lagi itong may respeto sa lahat, lalo na’t okay naman sila ng Star Cinema na ilang beses na rin siyang nakagawa ng pelikula rito.


Agad din namang naglabas ng official statement si Jan na na-hack daw ang account ni Dennis kaya hindi ito ang sumagot sa netizen na "May ABS pa ba?"


Pilit naming tinatanong si Katrina na CEO ng Aguila Entertainment na ang tanging sagot sa amin, “‘Pag lumabas na si Ma (Tita Becky) sa hospital, will ask her to call you if you have any questions pa po.”


 




 

SIKAT NA AKTOR, SOBRANG ADIK SA ALAK, NAKAHILATA NA, HUMIHIRIT PA


Showbiz news

BLIND ITEM:  

PALAISIPAN sa mga katrabaho niya ang aktor na kung uminom ay tila wala nang bukas.

Wala naman daw naikukuwentong problema tungkol sa trabaho at personal nitong buhay ang aktor, pero kapag umiinom, kahit hindi na kayang tumayo ay sige pa rin.


Nakahilata na raw ay nanghihingi pa rin ng alak.

Sey ng aming source, “Nakakataka kasi happy sa work at happy din ang love life, pero parang may pinagdaraanan?”


Nabanggit pa ng aming source na sa tuwing hindi raw kasama ng aktor ang dyowa sa mga lakad, lalo na kung out of town, ay nagwawalwal ito to the max, pero kapag nandiyan ang dyowa, behave naman.


“May kinalaman kaya na may itinatago ang aktor na hindi niya mailabas kasi apektado ang career niya?” biting sabi sa amin.


Wala kaming ideya kung ano ito pero ang alam namin ay may unang minahal si aktor bago ang dyowa niya ngayon, pero ang tagal na nu’n at sa katunayan ay kitang-kita namang love niya ang dyowa niya now.


“Ang mga lalaki, nagpapakitang malakas sila, pero kapag nag-iisa, nag-iisip ang mga ‘yan, mahina sila,” kaswal na sabi sa amin.


Sikat si aktor at nasa tuktok na siya ng career niya, na keri niyang hindi magtrabaho dahil may iba rin itong mga negosyo na masasabing kaya nitong magpatayo ng magarang bahay sa gitna ng dagat.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page