ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 12, 2024
Photo: Julie Anne San Jose / IG / viral
Naglabas na rin ng official statement ang Nuestra Señora del Pilar Shrine and Parish in Occidental Mindoro kaugnay ng performance ni Julie Anne San Jose sa fundraising concert na ginanap sa naturang simbahan last October 6, 2024.
Sa naturang event ay umawit at sumayaw ang Asia’s Limitless Star ng Dancing Queen na umani nang katakut-takot na batikos.
Naglabas na ng public apology si Julie Anne hinggil sa nasabing insidente, gayundin ang Sparkle GMA Artist Centre nu'ng October 10.
Kasunod nito ay nag-post na rin ang simbahan ng kanilang statement tungkol dito, signed by the parish priest, Fr. Carlito Meim Dimaano.
Narito ang nilalaman ng statement:
“Buong kababaang-loob po akong humihingi ng kapatawaran sa lahat ng nasaktan mula sa mga pagkakamaling nasaksihan sa Heavenly Harmony Concert na ginanap sa Nuestra Señora del Pilar Shrine and Parish noong ika-6 ng Oktubre 2024.
“Inaamin ko pong may mga mali kaming desisyon ukol dito, inaako ko po ang lahat ng mga pagkakamaling ito.
“Isang Secular Concert ang naganap sa loob ng Simbahan. Tinatanggap ko pong ito ay nakasakit sa damdamin ng mga mananampalataya. Humihingi po ako ng tawad.
“Sa mga naimbitahan po naming nagtanghal — Julie Anne San Jose at Jessica Villarubin — na nakatanggap ng mga hindi kaaya-ayang komento, humihingi po ako ng tawad.
“Sa aking Mahal na Obispo, Pablito Martinez Tagura, SVD, DD, humihingi rin po ako ng tawad. Hindi ko po naingatan ang inyong pangalan dahil dito.
“Natuto po ako nang lubos sa pangyayaring ito. Kung maibabalik ko lamang po ang panahon, sana’y naisakatuparan nang tama at wagas ang gawaing ito na alay kay Maria.
“Ipinapangako ko pong hindi na mauulit ang nangyaring ito.”
Ini-repost naman ni Rayver Cruz sa kanyang Instagram Story (IG) ang statement ng simbahan pati na rin ang pahayag ng Sparkle bilang suporta sa girlfriend.
Bukod dito ay nag-post din ng sweet message si Rayver para kay Julie Anne at sinabing mananatili siyang nasa tabi ng girlfriend.
“Never will I leave you. Never will I forsake you.’ (Hebrews 13:5) So do I, my love. Will forever be by your side to hold you and be with you all the time. Let’s keep our faith and make it stronger. I love you so much,” mensahe ng aktor sa GF.
‘Di niya raw iiwan…
RAYVER, TODO-TANGGOL SA GF NA SI JULIE ANNE
BOY, AGREE NA MALING SA LOOB NG SIMBAHAN NAG-PERFORM SI JULIE NA SUPER-SEXY NG SUOT
NAGPAKATOTOO si King of Talk Boy Abunda at sinabing agree siya sa mga nagsasabing mali rin ang ginawang pagpe-perform ni Julie Anne San Jose sa loob ng simbahan ng dance song na Dancing Queen suot ang sexy outfit.
Sa nakaraang episode ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), naglabas ng kanyang saloobin si Kuya Boy tungkol sa isyung kinasasangkutan ng Asia’s Limitless Star matapos nga ang performance nito sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.
“Nakakabilib lang nu’ng pinanood ko ‘yung video, si Julie Anne San Jose kasi for her stature, and she’s one of the biggest talents in the music industry today,” simula ni Kuya Boy,
“sa kanyang stature, sabi ko, parang nakakabilib naman ‘tong si Julie Anne. She still does these fundraisings for churches.
“Walang…I don’t know how to say this… Hindi s’ya namimili ng tutulungan. ‘Yun ang dating sa ‘kin,” patuloy niya.
Pero agree naman daw siya sa mga naging reaksiyon ng publiko tungkol dito.
“I know it was wrong. Ako rin, I agree with the public reaction na parang inappropriate ‘yung venue. Nandu’n lahat ‘yun, agree ako du’n,” pag-amin ni Kuya Boy.
At naikuwento nga niya ang similar experience niya noon nang pumunta sila sa isang concert kasama ang kanyang mga talents.
“Dumating kami doon sa venue on the day of the concert, simbahan po ang venue. Ang ending po noon, hindi kami nag-perform sa simbahan. I demanded doon ho kami sa labas,” kuwento ng TV host.
“I haven’t spoken to Julie, kasi puwede ring dumating ka, nalaman mo na sa loob ng simbahan, do you actually have the time to change your repertoire, to change your clothes?
“I am not making excuses, I am just saying na may mga on-ground realities po lalo na para sa artista,” aniya.
For his final piece, pahayag ni Kuya Boy, “For everything that had happened, lahat ng leksiyon na natutunan, makikita ho natin na lahat ng gumalaw na tao rito sa kuwentong ito ay may magandang intensiyon at may magandang puso.”
Comments