top of page
Search
  • BULGAR

Aktres, kinarga… PAULO, INAMOY ANG KAMAY AFTER MAHAWAKAN ANG KILIKILI NI KIM

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking June 24, 2024



Showbiz News

Grabe na naman ang kilig ng KimPau fans sa kanilang bagong nakitang sweet moment nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Ipinost ng isang fan ang video ng KimPau kung saan ay kinarga ni Paulo si Kim. Ang nasabing shot ay kuha mula sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa dalawa.


Ipina-reenact kasi ni MJ kina Kimmy at Paulo ang kilig scene sa What’s Wrong with Secretary Kim kung saan nga ay kinarga ng aktor ang leading lady.


Makikita sa video na parang nahawakan ni Paulo ang kilikili ni Kim nang kargahin niya ito. At kitang-kita rin kung paano inamoy ng aktor ang kamay niya pagkatapos nito.


Siyempre, super-react ang fans sa napanood sa video at aliw na aliw sila sa dalawa.


Narito ang ilan sa mga comments…


“Grabeeeee ang love na 'yan, amuyan na. Ganyan talaga ang couple, gustung-gusto ang amoy ng bawat isa sa kanila.”


“Hahahaha! Grabeeee... nagawan talaga ng kuwento... Dami kong tawa dito but love it.”


“Simple dumiskarte ang isang Paulo Avelino.”


“HahHahahaa ta*na, mga fetish nito ni Paulooooo, 'di ko kayaaaaaa.”


“Hahaha! Natawa ako dito. Pau-Pau, ano ba 'yan... ang bangu-bango bah?"


“Na-addict na si Pau sa amoy ni Kim."


 

Suporta sa mga kapwa bakla…

VICE, UMAKYAT SA BAKOD NG ABS-CBN MAPANOOD LANG ANG PRIDE MARCH


File


Viral ngayon ang video ni Vice Ganda kung saan ay makikitang nakaakyat siya sa mataas na bakod ng ABS-CBN para makita ang Pride March last Saturday, June 22.


Nakunan ng mga tao sa kalsada ang pag-akyat ng Unkabogable Star sa bakod at ipinost nila ito sa kani-kanilang social media accounts kaya naman kaagad itong nag-viral.


Sa video ay makikitang naka-mini-dress pa si Vice pero wala itong pakialam na umakyat sa bakod para ipakita ang suporta sa mga kapatid sa LGBTQIA+ community na nagmamartsa sa kalye sa tapat ng ABS-CBN compound sa Quezon City.


Maririnig din sa video ang malakas na pag-cheer ng mga tao sa TV host-comedian.

Puring-puri naman ng buong LGBTQIA+ community ang ipinakitang pagmamahal at suporta ni Vice sa kanila.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page