top of page
Search
BULGAR

Aktres, kahit nakipag-unahan sa tiket at nasa harapan ng stage… OLIVIA RODRIGO, SA ANAK NI MARIAN NAG-HI SA CONCERT, ‘DI KAY ANDREA

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 7, 2024



Showbiz News

May pagkukumpara kina Marian Rivera at Andrea Brillantes na parehong nanood ng concert ni Olivia Rodrigo last Saturday sa Philippine Arena. 


Obvious daw na hindi gumamit ng connection si Marian sa pagbili ng tiket nila ng anak na si Zia dahil medyo malayo sa stage ang kanilang seat, at pinuri siya dahil dito.

Para sa mga netizens, gumamit daw ng connection si Andrea para mabigyan ng VIP seat dahil nasa harap siya at nasa center pa. 


Dahil dito, na-bash ang Kapamilya actress, na hindi naman kasalanan kung totoong gumamit ng connection para sa kinainggitang seat niya sa concert.


Pero kahit wala sa mismong harapan ng stage, napansin pa rin ni Olivia si Zia, kumaway ito at bumati ng “Hi, up there!” 


Sabi ni Zia na nakangiti, “Mama, she said ‘Hi!’ to me.” 


Kita ang saya ni Zia sa pagkaway sa kanya ni Olivia.


Ipinost ni Marian ang reels at may caption na: “Kung saan ka masaya, Anak. Nandito lang kami para suportahan ka! We love you! @oliviarodrigo Salamat, pinasaya mo si Ate Zia.”


In fairness kay Andrea Brillantes, nakita namin ang Instagram (IG) Stories nito na nagpapaypay habang nakapila sa entrance ng Philippine Arena. May selfie ito at may caption na: “I was the first one to line up sa queue number lane namin. OMG! HAHAHAHAHAHAHA.”


 

This is it, guys! 

SAM KAY RHIAN: I FOUND MY DREAM PARTNER


Sam at Rhian

Sa halip na awayin ang nag-comment na she is aging backwards, nag-post si Rhian Ramos ng photo niya na parang bagong silang at nakabalot pa ng blanket. 


Natawa ang mga friends ng aktres at binati na rin siya sa kanyang 34th birthday.

Birthday post ang sunod na post ni Rhian, blanket at sheer cloth lang ang nakatakip sa hubad niyang katawan. Kita ang malaking tattoo sa right thigh niya.

“Birthday suit, birthday shoot.


“I’m not gonna lie, when I look at the mirror, my mind tells my body all sorts of harsh, mean things. But they say that one day, we’ll all reach an age when we’ll wish we had our old bodies back. We’ll realize we were never as “ugly” as we thought we were. It’s taking some work but I don’t wanna wait for that day, I wanna appreciate me now, NOW! This is it. This is 34.”


Sa credits ng photo shoot, nakasulat na si Michelle Dee ang nag-compile at nag-edit ng photos at si Rhian ang mismong nag-make-up sa sarili.


Ang ganda rin ng comment ni Michelle na, “WOMAN OF THE YEAR!!! Happy birthday,” na sinagot ni Rhian ng, “Wind beneath my wings.”  

“Wifey” din ang tawag ni Michelle kay Rhian na housemate niya.


Of course, maganda ang comment ng boyfriend ni Rhian na si Sam Verzosa sa kanyang birthday shoot, “Yet your sexyness is just icing on the cake. Your beauty, compassion, intellect and your pure heart are your best qualities. I found my dream partner. Happy birthday, Boo.”


 

Gusto ring laging holding hands sila ng GF…

KYLINE, IPINAGHIHIMAY PA NG HIPON NI KOBE


Kobe Paras at Kyline Alcantara - Glenn Regondola SS from video

Lalong maiinggit at magiging bitter ang mga bashers ni Kyline Alcantara na hindi matanggap na mahal ni Kobe Paras ang aktres. 


Tuwing may post ang dalawa sa kanilang mga ganap, laging maraming sinasabi ang mga naiinggit patungkol kay Kyline.


May nag-comment na mas in love at mas kinikilig daw si Kyline kay Kobe, kaya super-asikaso ito kapag magkasama sila. 


Mababago ang reaction ng mga bashers ni Kyline kapag nakita nila ang latest reels na kuha sa bakasyon ng dalawa sa Infanta, Quezon.


Ipinaghihimay ni Kobe ng hipon si Kyline na actually, kaya namang gawin ng aktres, pero si Kobe ang gumawa at saka ibibigay kay Kyline para diretso kain na. 


May reels pa na ayaw bitawan ni Kobe ang aktres at sa kanilang paglalakad, gusto nitong lagi silang holding hands. Kapag bumitaw si Kyline, kinukuha ni Kobe ang kamay nito para holding hands na uli sila.


Ang pamilya at mga kaibigan ni Kyline ang kasama nila sa beach vacation na ‘yun. Tinanong si Kobe ng friend ni Kyline kung kumakain siya ng dried fish o tuyo? 


“Opo” ang sagot ni Kobe sa tanong. Hindi lang nakunan ng reels na kumain siya ng tuyo.


Kailan kaya kami makakabasa ng positive comments from the netizens sa relasyon nina Kyline at Kobe, lalo na sa aktres. 


Mabuti na lang, marami ang nagtatanggol kay Kyline at sabi ng mga ito, kung hindi masaya ang mga bashers para kay Kyline Alcantara na minahal siya ni Kobe Paras, sila ay masaya... masaya ang puso. Kaya manigas daw kayo sa inggit.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page