ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 16, 2025
Photo: Andrea Brillantes at Maris Racal - Instagram
Nasa pamamahala na ngayon ni Shirley Kuan ang career ni Andrea Brillantes. Iniwan na niya ang Star Magic at piniling lumipat sa manager nina Bea Alonzo at Albert Martinez.
Sey ng mga netizens, si Maris Racal ang dahilan kaya nagbabu sa Star Magic si Andrea. Si Maris daw kasi ang mas pinapaboran at ibini-buildup nang husto ng Star Magic, kaya medyo napapabayaan na si Andrea.
Mas magaganda rin ang exposure at TV shows ni Maris, tulad ng pagkakasama niya sa Incognito.
Well, mas marami ang nagkakainteres sa mga kaganapan ni Maris sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng cheating scandal kasama si Anthony Jennings.
At game na game rin si Maris sa kahit anong gimmick para sa kanyang career, tulad ng pagpayag niyang tumakbo nang naka-bra at panty lang sa isang eksena niya sa Incognito.
Kakayanin ba ‘yun ni Andrea Brillantes at higitan ang ginawa ni Maris Racal?
Naging attraction din ang pagrampa ni Maris sa Berlinale International Film Festival (BIFF) dahil kalahok ang movie niyang Sunshine sa nasabing film fest.
Well, dapat kumilus-kilos na rin si Andrea Brillantes bago siya mapag-iwanan.
Paglilinaw din ni Andrea, nasa ABS-CBN pa rin siya kahit nagpa-release na sa Star Magic. At mapapanood din ang pagpasok niya sa Batang Quiapo.
Third party daw sa surfer at kay Andi, sinira in public… DEREK KAY PHILMAR: MAGPAKALALAKI KA!
HINDI magiging madali para kay Andi Eigenmann ang pakikipaghiwalay sa karelasyong si Philmar Alipayo. Kahit na ilang beses pa silang mag-away at magkaroon ng problema sa kanilang pagsasama, hindi niya basta maiiwan ang surfer.
May dalawa silang anak na unang maaapektuhan dahil malapit ang mga ito sa kanilang ama.
Besides, ayaw ni Andi ng broken family. Gusto niya ng isang buo at kumpletong pamilya, kaya nga mas pinili niya si Philmar at manatili sa Siargao. Tinalikuran ni Andi ang mundo ng showbiz dahil ang gusto lang niya ay simpleng buhay sa isla.
Kaya naman madali niyang napatawad si Philmar at kinalimutan na ang isyu sa 224 tattoo sa girl best friend nito na si Pernilla Sjöö.
Bagama’t may pagkakamali rin si Philmar sa pagpayag niyang magpa-tattoo sila ni Pernilla, may mga nagsasabing mali rin si Andi sa kanyang pag-e-emote sa social media.
Lumaki ang nasabing isyu at pinagpiyestahan ng mga bashers sina Philmar at Pernilla.
Kaya ang advice ng mga netizens kina Andi at Philmar ay putulin na ang friendship nila kay Pernilla upang maiwasan ang gulo. At dapat ding lumugar si Philmar sa tama dahil may pamilya na siya.
Sey nga ni Derek Ramsay sa kontrobersiyal na surfer, “Magpakalalaki ka, Philmar, at ‘wag mandamay ng iba! Dapat kang mag-sorry kay Pernilla dahil sinira mo ang pagkatao n’ya sa publiko.”
NAGING abala sa pag-iikot sa mga bayan-bayan sa Davao si Sen. Bong Revilla, Jr., kaya doon na siya inabutan ng Valentine’s Day.
Ganunpaman, nakasama naman niya ang kanyang lucky charm at First Lady na si Congw. Lani Mercado. Nabigyan niya si Lani ng bouquet of roses at nakapag-dinner together.
Masaya ang kanilang naging Valentine celebration dahil nakapag-bonding kahit hectic ang schedule sa pangangampanya.
Maraming gimik at paandar si Sen. Bong sa kanyang pangangampanya. Bentang-benta pa rin at gustung-gusto ng mga tao ang kanyang pagsasayaw na may halong pagpapatawa.
Marami rin ang nakapansin na buung-buo ang kumpiyansa ni Sen. Bong at sanay na sanay makihalubilo sa mga tao.
Para ngang show at hindi kampanya kapag nasa stage na si Sen. Bong at nagsasalita. Ang lakas ng karisma niya.
Malaking factor din na napanood pa rin si Sen. Bong sa action seryeng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) bago nagsimula ang campaign period. Nagmarka sa mga viewers ang character niya bilang si Tolome. Kaya naman sa recent survey ng mga senatoriables ay pasok siya sa Top 12.
Kasama si Bong sa mga pambatong senador ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Commentaires