top of page
Search
  • BULGAR

Aktres, iba na ang gusto kaya naghiwalay… MARIS, INALOK NG KASAL NI RICO, TUMANGGI

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 16, 2024




Showbiz News

May bagong pasabog ang tinaguriang Pambansang Marites na si Christian Albert “Xian” Gaza.  


Sa kanyang Facebook (FB) account ay ibinahagi niya ang tsikang nasagap tungkol sa hiwalayang Rico Blanco at Maris Racal. Ibinulgar niya na nag-propose si Rico kay Maris at nag-no raw ang aktres.


“Nag-propose pala si Rico, tapos nag-NO si Maris, atin-atin na lang sana, ‘wag na lang makakalabas, salamat,” post ni Xian.


May nagtanong kung gaano katotoo ang kanyang sinabi at sagot naman ng kontrobersiyal na negosyante, “Bine-verify ko pa sana, eh, na-post ko na pala publicly kaya hindi ko na ma-delete.”


Matatandaang umiiyak na ibinunyag ni Maris sa isang presscon na ilang linggo na silang hiwalay ni Rico. Bagama’t hindi eksaktong masabi ng aktres kung ano ang dahilan ng kanilang breakup dahil kumplikado raw, inamin niyang siya ang may problema at hindi ang boyfriend.


“Maybe I turned to the next page. I saw a new perspective sa life. I had visions of who I want to become, how I want to evolve. I’m so curious about the world. And the truth is, I am going through changes,” aniya.


Sey pa ni Maris, “I told him my problems, my issues sa buhay. He took it like a man. It was a very difficult talk [because] I love him so much. I love him and he loves me but I have so many questions about my life and how I will go on sa buhay.”


At marahil, dahil nga sa mga pahayag na ito ni Maris kaya kung anu-anong espekulasyon ang lumalabas ngayon sa tunay na dahilan ng kanilang breakup.


May nagsasabing may third party, may nagsasabi namang mas pinili ni Maris ang kanyang career kaysa kay Rico at heto pa nga ang isa pang espekulasyon na tumanggi raw ang aktres sa proposal ng boyfriend.


 

Na-meet na namin nang personal ang bagong talent ng 3:16 Media Network na si Itan Rosales and we’d say na sa looks pa lang ay talaga namang promising ang newbie actor. Guwapo, matangkad at napaka-cute ng smile nito.


And take note, hindi lang ang kaguwapuhan ni Itan ang panlaban niya dahil puring-puri ng mga direktor ang kanyang pag-arte, kaya naman hindi kataka-takang sunud-sunod ang proyekto niya lately.


Palabas ngayon sa Vivamax ang pelikula niyang Hiraya na produced ng 3:16 Media Network mula sa direksiyon ni Sidney Pascua.


Bukod dito ay may dalawa pa siyang pinagbibidahang pelikula, ang Kaskasero with Christine Bermas and Angela Morena at ang Uhaw katambal ang VMX Queen na si Angeli Khang.


Very thankful naman si Itan sa lahat ng opportunities na ibinibigay sa kanya ng kanyang manager na si Len Carillo. 


Aniya, “Kundi dahil sa kanya, wala po ako ngayon dito.”


Willing si Itan na magpa-sexy sa mga pelikula pero may limitasyon daw. Sa ngayon ay hanggang butt exposure pa lang daw siya. 


When asked kung payag ba siyang magkaroon ng frontal exposure, aniya ay pag-iisipan pa niya.


Natanong din kung sino ang celebrity crush niya at nakangiti niyang sinabing si Andrea Brillantes. Nagagandahan daw siya sa aktres at looking forward siya na ma-meet ito and someday, sana raw ay makatrabaho rin niya ito.


In the future, gusto rin daw niyang maging dramatic actor tulad ng mga idolo niyang sina Piolo Pascual at Gerald Anderson.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page