top of page
Search
  • BULGAR

Aktres, humahaba raw ang ilong… LORNA, TODO-DENY NA BF SI SEN. LITO, SINUMBATAN NI JOHN

ni Julie Bonifacio @Winner | July 3, 2024



Showbiz Photo

Isa ang aktres na si Lorna Tolentino sa mga celebrities na dumalo sa fashion show ng sikat at foreign brand undergarment na Wacoal para sa ika-35th anibersaryo ng kanilang kumpanya na ginanap sa Okada Hotel kamakailan.


Bahagi si Lorna sa “Armor” segment sa four themes ng Wacoal fashion show and gala night. 


Binigyang-pugay ng Wacoal ang kontribusyon ni Lorna sa local industry sa angking husay sa pag-arte. True naman na Lorna is really a true emblem of strength and grace.


Ang tatlo pang themes sa Wacoal’s 35 years of dedication to empowering women ay ang “Her,” “Healing” and “Transformation.”


Na-meet din namin during the event ang kauna-unahang lady president ng Wacoal na si Christine Ann Palisoc. Very inspiring din ang kuwento ng pag-angat at pananatili ni Miss Christine sa Wacoal for more than two decades.


Anyway, ‘di nakalusot si Lorna kay John Estrada na gustong paaminin ang aktres sa estado ng puso niya ngayon sa socmed (social media) account ng isa sa mga main cast ng FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin. 


May mga tsika kasi na may nabuong relasyon kina Lorna at Sen. Lito Lapid sa set ng serye.


“Well, I’m happy,” ngiti ni Lorna.


Tinanong ni John kung may boyfriend ang aktres ngayon.


“Wala,” natatawang sagot ni Lorna.


Sabi ni John, “Humahaba ilong mo, baka magalit sa ‘yo ‘yun? 'Bakit idinenay mo ako?' Hindi ko alam kung sino pero parang nagsisinungaling s’ya kasi namumula ang ilong, eh.”


Sigaw ng aktres, “Liar! Liar!”


Inulit ni John ang tanong niya kay Lorna kung may boyfriend siya ngayon. And again, itinanggi ng aktres at sinabing "wala" sa lengguwaheng Kapampangan.

“Ah, magalit ka nga rito. I-text mo na. I-text mo na,” biglang harap sa kamerang sabi ni John.


 

Sa 'Pinas at sa South Korea…

RYAN, 2 BESES GUSTONG PAKASALAN ANG FIANCÉE


Ryan Bang vlog

Napanood namin ang latest content sa YouTube (YT) channel ng It’s Showtime host and  soon-to-be-groom na si Ryan Bang. 


Ishinare ni Ryan ang video ng naganap na “meet-the-parents” nila ng fiancèe niya na si Paola Huyong sa LG Art Center sa South Korea, kung saan nag-dinner ang mga magulang ni Ryan at family ni Paola.


Sa naturang dinner ay natupad ang matagal nang wish ni Ryan na makasama pareho ang kanyang ina at ama. And for the first time, nakita namin ang papa ni Ryan.


Sey ng mga followers ni Ryan sa kanyang YT channel, “I just remember one

It’s Showtime episode na Ryan got emotional, wishing for a dinner with both of his parents and now his dream come true, bonus pa si Pao and her family! I’m so happy for Ryan.”


Sa kanyang Instagram (IG) ay naging sentimental si Ryan sa pagsasama-sama nila ng kanyang ina at ama.


Caption ni Ryan: “Year 2005, isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpunta ng Pilipinas ay dahil naghiwalay ‘yung parents ko. Araw-araw kong ipinagpe-pray kay God na sana, dumating ulit ‘yung araw na magkasama ulit kami kahit sa isang dinner lang at ngayon, answered prayer talaga na nagkasama kami ulit at ang pamilya ni @paohuyong. Wala talagang imposible kay Lord (praying emoji).”


Hindi katandaan, guwapo, matangkad at mukhang mahilig ding magpatawa ang papa ni Ryan, pero hindi nakuha ng TV host ang good looks ng papa niya. Mas kahawig ni Ryan ang kanyang ina na ilang beses nang umapir sa It’s Showtime.


After ng “meet-the-parents” ay iginala na ni Ryan si Paola at pamilya nito sa South Korea (SK).  Pinuntahan nila ang mga sikat na tourist spots sa SK gaya ng Nami Island, Myeongdong, Alpaca World in Korea at ang Blue House (palasyo ng presidente ng South Korea).


Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga fans and followers ni Ryan ang kanyang magiging star-studded wedding. Excited na rin siyempre ang mga kasamahan niyang hosts sa It's Showtime.


Kung si Ryan ang masusunod, gusto raw niyang ganapin ang kasal nila ni Paola sa ‘Pinas at South Korea.


“Pag-uusapan pa lang namin ang wedding. Gusto ko dito, dito talaga ang buhay ko. ‘Pag sa South Korea kami, small wedding. Sa ‘Pinas, gusto ko, main wedding,” pahayag ni Ryan sa isang interbyu.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page