ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 14, 2024
Bago ang opening ng Hello, Love, Again (HLA), ang sabi, sa 500 cinemas nationwide ito mapapanood. Sa opening kahapon, sa 600 cinemas na ito showing at baka madagdagan pa ang cinemas sa mga darating na araw.
May 900 cinemas lang daw sa buong Pilipinas at kung tama na showing ang HLA sa 600 cinemas, ibig sabihin, sa 300 cinemas na lang hindi showing ang movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
First time sa local cinema history na may ganito karaming cinemas ang paglalabasan ng isang pelikula. Ngayon nga lang ito nangyari, kaya nakakatuwa.
In fairness kay Kathryn, sanay na ito na showing ang movie niya sa maraming cinemas. Ang Hello, Love Goodbye (HLG) nila ni Alden, showing sa 465 cinemas, pero hindi sa opening day.
Ang movie nila ni Daniel Padilla na The Hows Of Us (THOU), showing sa 435 cinemas sa six days na showing ito. Ang HLA, ang unang balita, showing sa 450 cinemas, naging 500 at ngayon ay 600 cinemas na.
Speaking of Kathryn, ini-spoiler nito ang sariling pelikula na may kissing scene sila ni Alden. Nakunan at na-post ang TikTok (TT) video sa premiere night ng HLA nang lumapit siya sa amang si Teddy Bernardo after ng kissing scene nila ni Alden.
Nakunan ang paglapit ni Kathryn sa ama at ang sinabi nitong, “Papa! Ikaw ang naiisip ko habang nagki-kiss ako. Sabi ko, ‘Kumusta kaya ang Papa ko?’”
Malutong na halakhak ang sagot ng ama ni Kathryn, patunay na hindi ito nagalit. Nasa tabi ng dad ni Kathryn ang mom niya na nakangiti lang at hindi rin nagalit.
Ang inaabangan ngayon ay kung magkano ang opening gross ng HLA movie.
Sinabihan siyang ‘di pa raw asawa ni Carlos, GF pa lang… CHLOE, NAGPATUTSADANG NAKARMA SI AI AI NA HINIWALAYAN NG MISTER
Reaction nga ba ni Chloe San Jose sa nangyari sa marriage nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan ang Facebook (FB) post nito na, “Back to you manang, not to make fun of your situation but what you do to others will come right back at you 10x- it’s just the universe’s law.”
Ang tinukoy ni Chloe na bumalik kay Ai Ai ay ang naging payo nito sa kanya na, “Hindi ka pa asawa girl, girlfriend ka pa lang.”
Obvious na hindi nagustuhan ni Chloe ang payo ni Ai Ai, lalo na nang maging open ito na Team Nanay siya. Ang ibig sabihin, kampi siya sa nanay ni Carlos Yulo at hindi kina Chloe at Carlos.
Ang sabi ng mga netizens na kampi kay Chloe, nakakita siya ng bala na igaganti kay Ai Ai.
Pero, may mga hindi natuwa sa post na ‘yun ni Chloe, totoo naman daw na hindi pa siya asawa ni Carlos at hangga’t hindi pa sila kasal, marami pa ang puwedeng mangyari. Sa inis ng ibang mga netizens na hindi naman fans ni Ai Ai, tinawag siyang palengkera.
May mga kampi kay Chloe San Jose at agree sila sa sinabi nito patungkol kay Ai Ai delas Alas, nakisawsaw daw kasi ang komedyana kina Chloe at Carlos na in fairness, hindi lang naman si Ai Ai, ang dami kayang sumakay sa isyu.
MARAMI ang natuwa sa Facebook (FB) post ni Roderick Paulate na “Mga Batang Riles (MBR), soon on GMA Network,” at may photo pa na kasama niya ang cast ng bagong action series sa Kapuso Network.
Sa tanong namin kung balik-GMA na siya, “Yes! Balik GMA-7 uli. Pang-3rd teleserye ko na sa GMA-7,” ang sagot ni Dick.
Nag-follow-up question kami kung ano ang kanyang role at pangalan ng kanyang karakter?
“Ako si Pol. Matagal nang taga-Riles. May anak na dalawa, ganu’n muna, Hahaha!” sagot nito.
Sa January 2025 ang premiere ng MBR na isa sa mga bida ay si Miguel Tanfelix. Ito ang papalit sa Pulang Araw (PA) kapag nagtapos na ang historical drama series. Extended ang PA, kaya may enough time ang MBR na magpondo ng taping.
Napapanood pa rin si Dick sa Da Pers Family (DPF) sa TV5 kasama sina Aga Muhlach, Charlene Muhlach at mga anak nila na sina Andres at Atasha.