top of page

Aktres, ‘di nagpakipot, todo-bigay… KOBE, PINAGSAWAAN DAW AGAD SI KYLINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 22, 2025



Photo: Kyline at Kobe Paras - Instagram



Naglalabasan na ngayon sa social media ang tunay na dahilan ng hiwalayang Kyline Alcantara at Kobe Paras.


Kahit hindi pa nila inaamin sa publiko na break na sila, may mga posts na si Kyline patungkol sa pinagdaraanan nila ngayon ni Kobe. 


Marami ang nagsasabing sobra raw kasing selosa ang aktres kaya walang nagtatagal na karelasyon.


Si Kobe naman daw ang hindi na nakatiis, kaya nakipaghiwalay na lang kay Kyline.


Ganunpaman, may depensa naman ang kampo ng aktres. Umiral na naman daw ang pagiging babaero ni Kobe at lumipas na ang kanyang atraksiyon kay Kyline.  


Tatak na raw ni Kobe na hindi nagtatagal sa kanyang karelasyon. Kadalasan ay isang taon lang at nauuwi na sa paghihiwalay.


Marami naman ang sumisisi kay Kyline dahil bigay-todo ito kung ma-in love. Hindi man lang niya pinahirapan si Kobe nang siya ay ligawan.


Nawalan ng challenge sa kanya ang basketball player, kaya madali siyang binitiwan nang makatagpo ng bagong chicks na may kakaibang atraksiyon.

Hindi rin si Kobe ang tipo na magseseryoso agad sa pag-ibig.


 

Lingid sa kaalaman ng marami, may nai-record palang pitong awitin ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor bago siya biglaang pumanaw.


Ayon sa ilang malalapit na kaibigan ni La Aunor,  plano raw na i-release commercially ang 7 awitin na nai-record ni Guy bilang handog na rin sa libu-libo niyang tagahanga na tumangkilik at nagmahal sa kanya nang mahigit limang dekada.


Bukod sa mga bagong awitin na iniwan ni Nora, plano rin na i-restore ang magaganda niyang pelikula na nagmarka sa mga moviegoers tulad ng Himala, Bona, Tatlong Taon Na Walang Diyos, Flor Contemplacion Story at Bulaklak ng City Jail


Maging ang pelikulang Pieta na ipinalabas recently ay magkakaroon daw ng rerun. 

May dalawa pa siyang pelikulang natapos na hindi pa naipapalabas, ang Kontrabida at Ligalig


Dapat ay may mag-asikaso upang maipalabas na ang nasabing mga pelikula ni Nora Aunor.


Samantala, sa araw na ito ay ihahatid na sa kanyang huling hantungan si La Aunor sa Libingan ng mga Bayani pagkatapos ng necrological mass at tribute sa kanya ng NCCA na gagawin sa Metropolitan Theater.


 

MAGANDANG gesture ang ginagawa ni Alden Richards na pagsuporta sa pelikula ng mga kasamahang artista, tulad na lang ng kanyang pag-sponsor sa block screening para

sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) kung saan bida sina David Licauco, Sanya Lopez, Betong at Buboy Villar. 


Nakatrabaho ni Alden sina David at Sanya sa Pulang Araw (PA) ng GMA-7. Dito nabuo ang kanilang friendship. Kaya naman, nagpa-block screening si Alden para sa pelikulang SNMM bilang suporta.


Well, sana lahat ng artistang nabibigyan ng tagumpay ay tulad ni Alden na marunong mag-share ng blessings at tumulong sa kapwa niya artista. 


Wala siyang inggit kaninuman. Ipinu-push niya ang mga pelikulang Pilipino upang kumita sa takilya. Hindi siya makasarili, kaya patuloy ang pagdating sa kanya ng suwerte.


 

ISA sa mga labis na nalungkot at nanghinayang sa pagpanaw ng Superstar na si Nora Aunor ay ang magaling na aktres-direktor na si Gina Alajar.


Bukod sa nagkatrabaho sila ni Aunor sa ilang pelikula ay magkumare rin sila. 


Ang huling movie na pinagsamahan nila ni Guy ay ang Pieta. Nag-request pa raw sa kanya si Aunor na kunin siya ni Gina sa isang pelikula dahil gusto niyang maging direktor si Gina. 


Ganoon kalaki ang tiwala ni Nora Aunor sa kakayahan ng direktor.


Pero, hindi nga nila agad nabili ang gusto nilang istorya na isinulat ng isang magaling na nobelista kaya hindi nagkaroon ng chance si Alajar na idirek ang Superstar-National Artist na si Nora Aunor.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page