top of page

Aktres, ‘di na raw bata… SUPER-DAMING TUKAAN AT BED SCENE NI KIM KAY PAULO, OKS LANG SA PAMILYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31
  • 4 min read

Updated: Apr 1

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 31, 2025



Photo: Paulo Avelino at Kim Chiu sa My Love Will Make You Disappear - Instagram


“Oks lang, it's about time,” ang kaswal na sagot sa mga press ng ate ni Kim Chiu na si Kam Chiu nang makausap namin sa special block screening ng first movie ng KimPau love team nina Kim at Paulo Avelino na My Love Will Make You Disappear last Saturday night sa UP Town Center.


Wala ang mga bida ng movie na sina Kim at Paulo dahil nasa USA, kaya ang Ate Kam na lang niya ang nag-entertain sa mga dumating at nanood ng special block screening.


And for sure, ipaparating ni Kam kay Kim kung gaano kinilig ang mga nanood sa mga feeling bagets na galawan ng KimPau sa ilang unang eksena sa movie hanggang sa hindi mabilang na kissing scenes nila at ang medyo shocking ngang bed scene ng dalawa.


Ang katwiran naman ni Kam kung bakit hindi na siya nagulat sa desisyon ni Kim na makipag-kissing at bed scene na sa MLWMYD  ay dahil nasa tamang edad na raw naman ang kapatid.


Tama naman. At ginawa na rin naman ito ni Kim sa Linlang series, although siyempre, iba ang big screen dahil kitang-kita ang pagbuka ng bibig ni Kim na game na game kay Paulo sa tukaan at para bang ganu'n na talaga siya ka-comfortable sa aktor na rumored BF na nga niya.


Eh, teka lang, boto naman kaya ang pamilya ni Kim kay Paulo?

Well, diretso na ‘yang sinagot ni Kam, “Siyempre oo naman, kasi me as ate, ayoko naman na parang maging protective ka kasi we have our own lives and kung saan siya masaya… and I know she's happy, happy na rin kami.”


Hindi raw nagsasabi sa kanya si Kim ng tungkol sa love life nito, pero hindi naman na raw kailangang sabihin dahil obvious na sa mata at awra nito ‘pag in love at inspired.

When asked kung nagbibigay siya ng payo kay Kim about love life, ani Kam, “We have our own characteristics naman, pero ang atake ko is for her to learn her lessons. Let her explore kasi ‘pag ini-spoonfeed mo, parang ‘di na natural ang dating.”


At sa tanong namin kung handa na ba ang family nila if one day ay bigla na lang hingin ni Paulo ang kamay ni Kim, napanganga si Kam na gulat na gulat at ang sabi lang, “Na-shocked ako!” at ‘di na nakasagot kaya piniktyuran na lang namin siya sa poster ng My Love Will Make You Disappear bilang support niya sa KimPau love team.


Anyway, after their mature role sa Linlang, swak din pala ang KimPau sa rom-com at aliw na aliw kami sa pagiging komedyante ni Kim na bumagay sa medyo suplado at seryosong image ni Paulo.


Showing na ngayon ang movie na mula sa direksiyon ni Chad Vidanes at kasama rin sa pelikula sina Wilma Doesnt, Lovely Abella, Benj Manalo, Nico Antonio, Migs Almendras, Martin Escudero, Karina Bautista, Jeremiah Lisbo, Melai Cantiveros, Peewee O'Hara, Bart Guingona, Frenchie Dy, Charm Aranton and Bernard Palanca.


As of last Saturday, according to ABS-CBN Films, naka-P40M box office gross na ang My Love Will Make You Disappear sa local cinemas pa lang at inaasahang bobongga pa ito sa week 2 sa dami ng KimPau fans.


 


AFTER kiligin sa rom-com movie ng KimPau, pang-barkada movie naman ang hatid nina Rayver Cruz, Glaiza de Castro, Arci Muñoz, Matt Lozano at Rhian Ramos sa Sinagtala The Movie na magso-showing na in cinemas nationwide starting April 2.


Tuwang-tuwa ang limang lead stars na bumubuo sa Sinagtala Band na sila ang napili para mag-play ng lead characters na sa trailer pa lang, interesting na ang iikutan ng story dahil si Rayver ay nakulong, si Arci ay nabuntis nang wala sa panahon, natuklasan ni Rhian na ampon siya, habang may lihim namang itinatago ni Matt sa tatay niya.


Ang kuwento kasi ng Sinagtala The Movie ay tungkol sa bandang nagkawatak-watak at nasadlak sa kani-kanyang matinding problema sa buhay. 


Kaya nga ang tanong ni Glaiza sa trailer, “Ano sa tingin n'yo ang purpose n'yo sa buhay?”

Naku, napaisip din tuloy ako d'yan, Jun Lalin, ha? 


Kaya gusto ko ring ma-watch ang movie at excited na me, sana bago mag-April 2 ay may special screening for the press para mai-chika na namin sa mga fans ang mga dapat nilang abangang eksena sa Sinagtala The Movie.


Na-excite kasi kaming marinig na kumanta nang buo sina Rayver at Arci na mas unang nakilala bilang mga aktor, at gayundin ang pagpe-play ng drums ni Rhian na bata pa pala siya ay hilig na niya. 


Kaya bukod sa acting at baking, may talent din pala ang GF ni Manila mayoralty candidate Sam Verzosa sa pagtugtog ng drums. Bongga!!!


At we heard also from Jun Lalin na paglabas namin ng sinehan, ‘di lang kami mae-LSS (last song syndrome) sa original soundtrack ng movie na Laho, babaguhin din daw nito ang pananaw namin sa buhay.

Oh, wow!!! 


Mula sa direksiyon ni Mike Sandejas, sugod na sa mga sinehan sa April 2 para sa Sinagtala, The Movie.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page