top of page
Search
BULGAR

Aktres, close na close na sa ex ni Priscilla… RICHARD, IPINATSUGI RAW SI BARBIE SA SERYE NI COCO SA SELOS KAY JOHN

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 3, 2024





Ang closeness na namamagitan kina John Estrada at Barbie Imperial sa set ng Batang Quiapo (BQ) ay trending topic ngayon sa showbizlandia! 


May mga nakakapansin na hindi lamang sa harap ng kamera kundi pati na rin sa likod ng mga eksena ang closeness nila.


Pero wait, mga nini, mukhang hindi lahat ay bonggang happy sa kanilang closeness. 

Ayon sa ating mga sumbungan, tila si Richard Gutierrez mismo ang may paandar ng selos dahil sa pagiging malapit nina John at Barbie.


Sa mga eksena sa set, kitang-kita raw ang madalas na pag-uusap nina John at Barbie. Bukod pa rito, hottie alert si John sa pagiging generous, dahil kamakailan lang ay nagpa-liempo party siya para sa buong cast, staff, at crew. 


Kuwento ng mga utaw, ang liempo bonding na ito ay hiling pa raw ni Barbie. Sinabi pa nga raw ni John na tipo n’ya ang kagaya ni Barbie. 


Tseh! Pak na pak ang sagot! Kaya naman mas dumami pa ang mga tsi-chika bells na may kung anik-anik na namamagitan sa kanilang dalawa.


Ang tanong, selos nga ba ang dahilan ng tila paandar ni Richard? 


Ayon sa mga source-zilla, kinausap daw ni Richard ang mga executives ng network para subukang mapasama si Barbie sa kanyang sariling proyekto. May tsismis pa na gusto niyang ipapatay na lang ang karakter ni Barbie sa BQ para tuluyan na itong mawala sa orbit ni John. 


At dahil pinatay na nga ang karakter ni Barbie sa serye ni Coco Martin, ‘yun na nga kaya ‘yun?


Pero mga besh, take note na wala pang official confirmation mula kay Richard tungkol dito. Tahimik din ang kampo ni Sarah Lahbati, na dedma sa isyu, kahit ilang beses na ring na-involve sa mga intriga na may kinalaman kay Barbie.


Kung titingnan naman ang history ni John Estrada, hindi na bago ang ganitong mga isyu. Ang kanyang pabibo moments sa mga past relationships niya kina Gretchen Barretto, Heart Evangelista at Ellen Adarna ay super viral noon. 


Dagdag pa ang hiwalayan nila nina Janice de Belen at Priscilla Meirelles, na parehong nauwi sa eksena ng pagdurugo ng puso. 


Kaya naman hindi nakakagulat na ang bagong closeness niya kay Barbie ay nagdudulot ng chismaks galore.


Si Barbie naman, na dati nang na-link kina Diego Loyzaga at JM de Guzman, ay bet na bet ng showbiz press. 


Pero mga ateng, ang tanong: chika lang ba ito or may hidden agenda ang closeness nina Barbie at John?


Ang mga netizens naman, naloloka sa mga tsismis na ang gaya ni Barbie ang type ni John Estrada. Habang ang iba ay nagsasabing mas okay nang mapunta si Barbie kay Richard kesa kay John.


Sa gitna ng lahat ng intrigang ito, hindi maikakailang mataas ang ratings ng BQ. Ngunit kung totoo ang chismis tungkol sa tensiyon sa set, maaaring magkaroon ito ng epekto sa production team. 


Abangers na lang tayo, mga beki, kung ano ang magiging next move nina Richard, John at Barbie sa isyung ito.


Ang tanong ng bayan — may bago bang plot twist sa kanilang real-life teleserye? O baka naman paandar lang ito para sa promo? 


Isa lang ang sigurado—mas hot and spicy pa sa liempo ni John ang real-life drama na ito!


'Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page