top of page
Search
  • BULGAR

AKTOR, WA' KAYOD, DYULALAY LANG NG MATAAS NA OPISYAL PERO SUKI SA CASINO, NANALO NG 23 K

ni Mercy Lejarde - @Talkies | June 15, 2022


BLIND ITEM:


Sa Instagram post ni Donya Lolit Solis ay nagbigay ito ng blind item para sa mga Marites at mga Mosang that goes….


“News mo, Salve, na may nanalong aktor ng P23 M sa casino. Mula nang wala nang ginagawang pelikula o project ang naturang aktor, balita nang tambay ito sa casino.


Nagtataka nga ang marami saan kinukuha ng aktor ang puhunan sa sugal, eh, ang ginagawa lang nito, maging alalay sa ilang mataas na opisyal ng gobyerno.


“Sabagay, saanman niya kunin ang puhunan sa pansugal niya, hindi naman natin problema, kani-kanya namang raket ang bawat isa sa atin. Mabuti naman at panay daw ang panalo ng aktor ngayon dahil paalis na sa puwesto ang dinidikitan niyang pulitiko, at hindi na ganu'n ka-influential ang isa niyang BFF na nasa mataas na puwesto.


"Sana nga, lagi na lang panalo para naman hindi magkaroon ng financial problem ang aktor, dahil ito na lang yata ang trabaho niya. Bongga, casino king siya talaga,” ang mahabang litanya ni Donya Lolit Solis sa kanyang IG post.


Gets n'yo, guys?!


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page