top of page
Search

Aktor, tumigil na raw sa panliligaw… RELASYONG ALDEN-KATHRYN, BUKING NA PROMO LANG SA MOVIE

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 20, 2025



Photo: KathDen - FB


Labis na ikinalungkot ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang balitang tumigil na ang aktor sa panliligaw sa aktres pagkatapos ipalabas ang box office hit movie nilang Hello, Love, Again (HLA)


Hindi na rin sila madalas na nakikitang magkasama, at wala na rin ang larawan ng KathDen sa social media na magkasama sila sa mga showbiz events. 


It seems may kani-kanyang lakad at plano sa kanilang career sina Kathryn at Alden, kaya naman dismayado ang libu-libong KathDen fans na umasa noon na mauuwi sa totohanang romansa ang tambalang KathDen.


Ganunpaman, may mga nagsasabing tama lang ang ginawa nina Kathryn at Alden. Ayaw nilang paasahin ang KathDen fans, kaya nagpakatotoo sila. Ayaw nilang matulad ang KathDen sa tambalang AlDub na hanggang ngayon ay hindi matanggap ng mga fans na hindi nagkatuluyan sina Maine Mendoza at Alden Richards. 


Iba ang career path na gustong tahakin ni Kathryn Bernardo ngayong 2025, ready na siya sa mas mature role, at hindi na kailangang dumepende sa love team. 


Si Alden Richards naman ay nais pang palawakin ang kanyang kaalaman sa pagpo-produce ng pelikula. At marami pa siyang role na gustong gawin. Pero, ano man daw ang mangyari, ang friendship nila ni Kathryn Bernardo ay hindi magbabago.


 

Matunog ang bali-balitang kapag napatalsik si VP Sara Duterte sa kanyang posisyon, tiyak na ang papalit sa kanya ay ang Senate president na si Chiz Escudero. Ang senador daw ang pinaka-qualified at deserving na humalili kay VP Sara. 


Gayunman, hindi nagpakita ng interes ang mister ni Heart Evangelista sa posisyon ng vice-president. Dapat daw ay bigyan ng parehas na treatment si VP Sara sa impeachment trial na isinusulong ng ilang grupo laban sa pangalawang pangulo. 


Ayon naman sa psychic na si Jovi Vargas, magkakagulo ang buong bansa at may mga rallies na magaganap kapag ipinilit ang impeachment kay VP Sara Duterte.


Magkakaroon ng pagkakawatak-watak sa mga namumuno sa gobyerno. 

Pero, malinaw na nakikita ni Jovi sa kanyang baraha at ganoon din sa vibes na dumarating sa kanya, na posibleng si Sen. Chiz Escudero nga ang pumalit sa puwesto ni VP Sara Duterte.


Let’s see kung magaganap nga ito.


 

MALAKI ang impact sa mga viewers ng campaign ad ni Sen. Lito Lapid na kasama ang sikat at highest-paid actor ngayon sa showbiz na si Coco Martin. 


Marami tuloy ang nagtatanong kung ilang milyon ang ibinayad ni Sen. Lapid kay Coco para sa pag-eendorso sa kanya. 


May ilang netizens naman ang nagsasabing baka “gratis” o libre lang at hindi nagpabayad si Coco dahil magkasama sila ni Sen. Lapid sa Batang Quiapo (BQ) at naging malapit sa isa’t isa. Parang tatay na ang turing ni Coco kay Lapid. 


Posibleng tulong na lang daw ito ng aktor kay Supremo (Sen. Lito) para sa muli nitong pagtakbo sa Senado. 


Milyun-milyon ang nanonood ng BQ sa buong Pilipinas. Markado sa mga viewers ang tandem nina Coco Martin at Lito Lapid sa serye. 


At kahit naka-leave na ngayon sa BQ ang Supremo (dahil sa kanyang muling pagtakbong senador), naaalala pa rin siya ng mga viewers. At plus factor sa kandidatura ni Sen. Lito na siya ay ineendorso ni Coco Martin. 


Malaking boto rin ang maiaambag ng mga fans ni Coco Martin, ganoon din ng mga loyal viewers ng BQ.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page