top of page
Search
BULGAR

Aktor, tanggap nina Janice at John… JAKE AT INAH, NAGLI-LIVE-IN NA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 19, 2024



Photo: Jhake Vargas at Inah - IG Inah de Belen Estrada


Marami ang nagtatanong kung kumusta na kaya ang buhay ngayon ng showbiz couple na sina Jake Vargas at Inah de Belen. May mga usap-usapan na nagli-live-in na sila, pero hindi nababanggit kung balak na nilang magpakasal. 


Tanggap naman si Jake nina Janice de Belen at John Estrada, at pareho naman silang nasa tamang edad na, kaya maayos ang kanilang pagsasama.


Si Jake ay matagal nang bahagi ng sitcom na Pepito Manaloto (PM), kung saan gumaganap siya bilang panganay na anak nina Michael V. at Manilyn Reynes. 


Magaling na aktor si Jake, kaya niyang gumanap sa iba’t ibang roles. Sana ay bigyan siya ng GMA-7 ng mga proyekto at isama sa anumang serye. Sayang naman ang kanyang talento. 


Marunong ding kumanta si Jake Vargas, kaya maaari siyang isama sa mga regional shows ng Kapuso Network.


 

Nagpapasalamat si Sen. Bong Revilla, Jr. sa pamunuan ng GMA Network dahil muling magkakaroon ng sequel ang action-comedy series niyang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis (WMNPSMNM). 


Puwede pa namang lumabas sa telebisyon hanggang February, 2025 ang mga artistang kakandidato sa midterm elections 2025. At muli ngang kakandidatong senador si Sen. Bong para sa kanyang ikatlong termino. 


Hindi na mahihirapan sa taping ng WMNPSMNM si Sen. Bong dahil gamay na niya ang lahat ng artistang kasama niya at maging ang takbo ng istorya. Magdaragdag na lang ng mga special guests. 


Samantala, naging abala si Sen. Bong sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang probinsiya. Dinumog siya nang dumalaw kamakailan sa Bacolod City. 


Dito ay direkta siyang nakipag-usap sa mga provincial leaders ng Negros Occidental tulad nina Governor Bing Lacson, EB Magalona Mayor Marvin Malacon, Bacolod City Mayor Albee Benitez, at kay Representative Joseph Stephen Paduano ng Abang Lingkod Partylist. 


Ang pag-iikot o pagdalaw na ito ni Sen. Bong sa iba’t ibang lalawigan ay dati na niyang ginagawa upang kumustahin ang kalagayan ng ating mga kababayan. Ito ay patunay lamang na hindi siya puro pangako at salita lamang, personal niyang inaalam ang mga pangangailangan ng kanyang mga kababayan sa iba’t ibang lalawigan.


 

SA tuwing makikita sa mga events ang showbiz couple na sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman, laging tinatanong kung kailan sila magpapakasal. 


Marami ang excited na makitang ikinakasal na sila dahil mahigit sampung taon na silang magkarelasyon. 


Bibihira ang ganitong katagal na pagiging magkasintahan. Sila ang perfect couple na swak sa isa’t isa. 


Next year, 2025, ang ibinigay na altar date nina Shaira at EA. Dito lang daw sa Metro Manila gaganapin ang kanilang wedding. 


Personal na rin nilang pinupuntahan at kinakausap ang kanilang mga kukuning ninong at ninang. 


Hindi sa February o sa Valentine’s Day o sa June ang kanilang kasal, kaya hindi June bride si Shaira. May project pa raw kasi siyang tatapusin, ang part 2 ng Lolong na pinagbibidahan nila ni Ruru Madrid. 


Parehong abala ngayon sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman sa kani-kanilang career.

Si Shaira ay regular host sa morning show na Unang Hirit  at si EA naman ay kasama sa longest-running gag show na Bubble Gang. May special role rin si EA sa seryeng Lilet Matias: Atty. At Law. 


Magkasama rin ngayon sina Shaira at EA bilang endorsers ng Beautéderm products. Si Shaira Diaz ay kasama nina Ashley Ortega, Miguel Tanfelix at Sofia Pablo sa bagong produkto ng Beautéderm na Belle Dolls supplement drinks na may iba’t ibang flavors tulad ng Premium Gluta and Premium Vitamin C, Stem Cell Juice Drink, Caramel Macchiato at Dark Chocolate.


May nagsa-suggest nga kay Ms. Rhea Tan na maglabas naman ng Beautéderm version ng Labubu Dolls na usung-uso ngayon.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page