top of page
Search
BULGAR

Aktor, shocked… AI AI, KAY ALDEN HUMAGULGOL NANG IWANAN NG MISTER

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 16, 2024



Photo: Alden at Ai Ai Delas Alas - Instagram


Kay Alden Richards pala umiyak si Ai Ai delas Alas nang makipaghiwalay sa kanya ang estranged husband na si Gerald Sibayan. Naikuwento ito ng Comedy Queen sa panayam sa kanya ng YouLOL Originals podcast na Your Honor hosted by Tuesday Vargas and Buboy Villar.


Pagbabalik-tanaw ng komedyana, nang nag-message raw sa kanya si Gerald nu’ng madaling-araw na gusto na nitong makipaghiwalay ay may taping ang All-Out Sundays (AOS) nu’ng umagang iyon.


“‘Yung araw na sinabi n’ya sa ‘kin na ayaw na n’ya, ganyan-ganyan, ano ‘yun, taping ‘yun ng AOS,” aniya.


“Birthday special ko! My gosh, akala ko, sabi ko, ‘Diyos ko po, sana maitawid ko ‘to,” patuloy niya.


Naitawid naman daw niya ang show pero bigla niyang nakita si Alden.


“Eh, di ‘eto na, naitawid ko na nga ‘yung show, walanghiya, nakita ko si Alden Richards.

Nakita ko si Alden, eh, close ‘yun sa ‘kin, eh. Tsaka close rin ‘yun kay ex. So, nu’ng nakita ko s’ya, parang ano ba?


“Ganu’n ka naman, ‘di ba, ‘pag may pinagdaraanan ka, masyado kang emosyonal. Nu’ng nakita ko s’ya, humagulgol ako,” pagbabahagi ng komedyana.


Nagtaka raw si Alden nang bigla siyang humagulgol at tinanong siya.


“Sabi ni Alden, ‘O, bakit Miss Ai, bakit ka umiiyak? Sabi ko, ‘Na-miss kita!’” kuwento ng komedyana.


Mukhang nakutuban naman daw ni Alden na may pinagdaraanan siya kaya nag-message ito sa kanya.


“Nag-Viber s’ya sa ‘kin. Sabi n’ya, ‘Kung ano ‘yung pinagdaraanan mo, Miss Ai,’ sabi n’ya ‘Okay lang ‘yan.’ Sabi niya, ‘Naiintindihan kita,’” tsika ng Comedy Queen.


Matatandaang kinumpirma ni Ai Ai kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na hiwalay na sila ni Gerald since October pagkatapos ng 10 taong pagsasama.


Sa chat message ay sinabi umano ni Gerald na hindi na siya masaya sa kanilang relasyon at nais daw niyang magkaroon ng anak.


Sa ngayon ay sinisikap ni Ai Ai delas Alas na maka-move on mula sa painful breakup nila ni Gerald Sibayan.


 

Inamin ni Sen. Bong Revilla na miss na miss na talaga niya ang paggawa ng pelikula at gustung-gusto nga raw sana niyang sumali sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) this year, lalo pa nga’t 50 years na rin siya sa showbiz ngayon.


“Dapat ay may entry ako d’yan, dahil siyempre, usually, every year, mayroon tayong kasama na pelikula d’yan. Dapat ‘yung entry ko nga, ‘yung Alyas Pogi,sey ni Sen. Bong sa grand mediacon ng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3.


Sinimulan na nga niya ang shooting ng Alyas Pogi (AP) last April, pero nagkataon namang sa first shooting day ay naaksidente siya, dahilan para operahan ang kanyang Achilles tendon (likod ng binti) at sumailalim sa ilang buwanang therapy.


“Luckily, I was able to recover nang ganito kabilis. Pero kung gagawin ang Alyas Pogi, hindi pa rin aabot (sa MMFF).


“Kaya napakasuwerte ko rin at nakagawa ako ng Walang Matigas na Pulis… Nakikita n’yo naman (sa trailer), nakakatalon ako, nakaka-dive ako, nakakatakbo ako, kung ano ‘yung kailangang ipagawa sa ‘kin ng direktor, nagagawa ko,” aniya.


“Basta nu’ng binigyan ako ng go signal ng doktor ko, ‘You can do anything, you can jump,’ nagagawa ko lahat. Wala akong takot. It’s all in the mind,” dagdag pa niya.

Sey pa ng action star, akala raw niya ay katapusan na ng kanyang action career nang maputol ang kanyang Achilles tendon at maoperahan.


“Thank you, Lord. Akala ko, nu’ng time na ‘yun, tapos na ang career ko. Pero hindi, binigyan pa rin ako ng pagkakataon ng Diyos na makagawa ng magagandang proyektong tulad nito at marami pa,” saad ng aktor-pulitiko.


Sa trailer nga ay makikitang parang pelikula ang pagkakagawa ng nasabing action-comedy series na produced ng GMA-7 at Imus Productions ng Revilla family. Kitang-kita rin na ginastusan talaga ang mga action scenes nito.


Sey nga ni Sen. Bong, kung nagustuhan daw ng manonood ang Season 1 and 2, tiniyak niyang mas magugustuhan pa ng tao ang Season 3 dahil marami raw silang ipapakitang bago at kakaiba.


Magsisimula na sa December 22 ang serye at mapapanood ito for 7 weeks or 7 episodes. Kasama pa rin bilang leading lady ni Sen. Bong si Beauty Gonzalez and the rest of the cast plus nadagdag pa ang Kapuso young actress na si Jillian Ward.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page