ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 23, 2024
Hindi nagkita sina Maris Racal at Anthony Jennings sa Christmas party ng cast ng Incognito dahil hindi um-attend ang aktres. Aprubado sa mga netizens ang desisyon ni Maris na iwasan munang magkita sila ni Anthony dahil tiyak na sa kanila mapo-focus ang mga mata ng mga tao na nasa party after nga ng controversial cheating scandal na kinasangkutan nila.
May nag-comment nga na dahil wala si Maris sa party, kaya game na game si Anthony na sumayaw kasama sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez at iba pang cast ng movie. Kung present nga naman si Maris sa party, magiging cautious si Anthony.
Hindi tayo sigurado kung pareho ng araw sa Christmas party ng cast ng Incognito ang pag-akyat sa bundok sa Mt. Ulap ni Maris. Sa mga larawang lumabas, makikitang at peace siya, maaliwalas ang mukha at hindi pilit ang ngiti.
Positibo ang mga comments sa tinawag ng mga netizens na “pamumundok” ni Maris. At the same time, bina-bash si Anthony dahil hindi raw sumunod sa usapan nila ni Maris na i-delete ang screenshot ng usapan nila.
Anyway, magpo-promote na ang cast ng Incognito, pasamahin kaya sina Maris Racal at Anthony Jennings sa promo?
Sopla sa mga fans nila ni Gabby…
SWEETNESS NINA SHARON AT KIKO, PARA LANG SA ELEKSIYON
Ang hirap ng sitwasyon ni Sharon Cuneta, magpakita lang ng lambing sa asawang si Kiko Pangilinan, kung anu-ano na ang naiisip at sinasabi ng mga netizens. Ang hula namin, ShaGab (Sharon at Gabby Concepcion) fans ang mga hindi natuwa nang i-post ni Sharon ang stolen video nila ni Kiko na kuha sa Christmas party ng kanilang staff.
May comment na, “Malapit na kasi election,” na parang ang ibig sabihin ng nag-comment, for publicity ang sweetness ng mag-asawa.
In the first place, hindi si Sharon ang kumuha ng video, staff nila at siya lang ang nag-post. Kung video nina Sharon at Gabby ‘yun, kahit magkatabi lang sila, bibigyan na naman ng double meaning.
May nag-react tuloy ng, “‘Di na siguro normal makakita ng ganito ka-sweet, kaya kung anu-ano ang kuwento n’yo,” na sinundan ng comment na, “Kahit masakit tingnan na ganito, lalo na if iba ang gusto natin ka-partner n’ya, let us be mindful sa comsec (comment section). Legit na husband and wife sila, same as ‘yung ex n’ya, may wife rin ‘yun. Be more understanding.”
Sasaya rin naman ang ShaGab fans dahil may concert next year sina Sharon at Gabby at may iba pang project silang pagsasamahan. Sana nga, matuloy na ang reunion movie nila para mas sumaya ang kanilang mga fans.
May post si Piolo Pascual sa kanyang Instagram (IG) ng photo nila ni Vic Sotto with a caption na puno ng gratitude.
Aniya, “Thank you Lord for the chance to work with a living legend. What a humbling and memorable experience to share the screen with Bossing @vicsotto official, dreams do come true (smile emoji). Looking forward to doing comedy next with you, Sir.”
Kuha ang photo nina Piolo at Vic sa red carpet premiere ng The Kingdom (TK) na walang comedy at seryoso ang karakter ni Vic na si Lakan Makisig. Kayang-kaya ni Vic maging dramatic actor at sumabay siya kay Piolo sa mga eksena nito.
Sumunod at pangalawa ang TK sa may pinakamaraming cinemas sa pagbubukas ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 25. Hintayin natin at baka madagdagan pa ang numbers ng cinemas ng pelikula kapag napanood na at kumalat ang balitang maganda ang pelikula ni Direk Mike Tuviera.
Kapag nabasa ni Vic ang wish ni Piolo na magsama sila sa isang comedy project, for sure, hindi siya bibiguin ng M-ZET Films Productions ni Vic at ng APT Entertainment. Baka nga muling makipag-collab sa kanila ang MQuest Ventures ni Mr. Manny V. Pangilinan.
Comments