top of page
Search
  • BULGAR

Aktor, binati sa Father's Day… GF NI JOHN LLOYD NA SI ISABEL, KUMANTANG POSSESSIVE

ni Beth Gelena @Bulgary | June 18, 2024


Showbiz news

Binati ni Isabel Santos ang boyfriend na si John Lloyd Cruz (JLC) nitong Father’s Day. 


Sa Instagram (IG) page ni Isabel ay ishinare niya ang photo ni JLC with his son Elias na nagsu-swimming ang mag-ama and greeted him on Father’s Day. 


Sey ni Isabel sa caption: “Happy Father’s Day, Behbeh!”


Sagot ng aktor, “Beh, I love this.”


Sa sunod niyang post ay isa pang larawan kung saan silang tatlo (Isabel, Lloydie at Elias) na ang nasa frame. 


Ang haba ng caption ni Isabel: “Happy Father’s Day @Soler! Dati pangarap ko lagi na sabay ang Father’s Day at birthday ko para same tayo magse-celebrate kahit possessive ako sa araw ko. 


“Salamat sa lahat. Sana, mag-gym na tayo at magawa natin mag-double sa tennis #teambunso.


“Isa lang ‘yung picture dahil late mo kong ginreet ng birthday ko pero, pinatawad na kita,” ani Isabel.


Nakakaantig ang mensahe ni Angeline Quinto para sa husband niyang si Nonrev Daquina nitong Father’s Day.


 

Sa kanyang Instagram (IG) ay ipinost ni Angge ang larawan ni Nonrev para ipakita kung gaano sila kamahal nito at ang heartfelt message niya para rito ay: “To my favorite person, Happy Father’s Day Babe. Thank you for everything you do. Thank you for always protecting me and Sylvio. I celebrate you today and every day, Babe. We love you so much.


Wishing all the amazing dads out there a Happy Father’s Day.”


Pawang positibong komento ang natanggap ng singer sa kanyang IG comment section. Hanga sila kay Angge dahil kahit may ibang mga babaeng naanakan ang mister ay tinanggap niya nang buong-buo si Nonrev.


In fairness naman sa guy, ipinakita niyang nagbago na siya mula nang dumating sa buhay niya si Angge hanggang ikinasal sila sa historical na Quiapo Church. 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page