top of page
Search
BULGAR

Aktor, binati sa b-day… SIGAW NG DATING KASOSYO: KEN, LUMABAS KA NA PARA SA PEACE OF MIND NG LAHAT

ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 18, 2025





In fairness, hindi nakalimutan ng former business partner ni Ken Chan na si Mark Wei na nagdemanda sa kanya na batiin ang aktor sa kaarawan nito kahapon, January 17. Kahit hindi positive ang birthday greetings nito, at least, hindi niya nakalimutan si Ken.  


Sa kanyang Instagram (IG) Story, mababasa ang birthday greetings nito na, “Happy Birthday @akosikenchan. Ang wish ko for your birthday ay sana lumabas ka na at sabihin mo na ang totoo para sa peace of mind ng lahat. Para matapos na ‘to. You can run for now, but you can’t hide forever.”  


Nag-post pa si Mark ng photo nila ni Ken at may isa pa silang kasama. 

Masaya at nakangiti ang tatlo sa larawan. Sino ang mag-aakalang darating ang panahon na idedemanda ni Mark si Ken?  


Binati rin si Ken ng happy birthday ng kanyang mga fans na nakaka-miss sa kanya. Wish din nilang bumalik na ng bansa si Ken at ipagpatuloy ang career. 


Malabo lang siyang makabalik sa ngayon, pero sana nga, makabalik na siya kung nasaan man siya.  


 

Hindi sina Angel at Iza…

VINA, BALIK-GMA-7





Premature ang mga slight bashing kina Angel Locsin at Iza Calzado dahil inakala ng ilang Kapamilya fans na isa sa dalawang aktres ang na-blind item ni Lhar Santiago na magbabalik sa GMA Network. 


Bawiin kaya ng mga nang-bash kina Iza at Angel ang kanilang mga sinabi dahil hindi naman pala isa sa kanila ang nagbabalik sa GMA-7? 


Si Vina Morales naman pala ang nasa blind item na Original Kapuso na magbabalik.  

In fact, present siya kahapon sa storycon ng upcoming GMA afternoon series na Cruz vs. Cruz (CVSC) at makakasama sina Gladys Reyes at Neil Ryan Sese. Bida rin dito sina Elijah Alejo, Lexi Gonzalez at Kristoffer Martin.  


Sa pagbabalik ni Vina sa GMA, tanong ng mga fans, babalik din ba si Shaina Magdayao? 

Sa GMA rin nagsimula si Shaina bago lumipat sa ABS-CBN at sinundan doon si Vina.  


 

ANG Lolong: Bayani ng Bayan (LBNB) ang last series ni Shaira Diaz bago ang wedding nila ni EA Guzman this year. 


Sa interbyu kay Shaira sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), tiniyak ng aktres na this year na ang kasal nila ni EA as announced by them, kaya lang, wala siyang binanggit na date.  


Ang wedding date lang ang hindi binanggit ni Shaira, pero ang ibang details, game siyang mag-share, gaya ng wedding gown niya na manggagaling sa Korea.  


“Kasi sobrang love ko ‘yung culture nila, mahilig ako sa K-drama, sa K-pop, sa BTS, kay Jung Kook, so parang gusto ko, Tito Boy, lagyan talaga ng something very personal sa ‘kin,” paliwanag ni Shaira.  


Sa isang lugar sa Silang, Cavite ang venue ng wedding nina Shaira at EA dahil tahimik doon. Dream church wedding ito at ayon pa kay Shaira, very intimate with her close friends and family.  


Sa kasama sa entourage, ang nabanggit ni Shaira ay si Arra San Agustin at Unang Hirit (UH) co-hosts niyang sina Kaloy Tingcungco at Anjo Pertierra, at si Julia Montes. Pati mga naka-witness sa love story nila ni EA ay invited sa wedding.  


Kabilang naman sa mga ninong si Boy Abunda na noong in-interview lang si Shaira nag-offer na maging ninong siya. 


“Ninong” din ang tawag ni Shaira kay Arnold Clavio at ibig sabihin, isa siya sa mga principal sponsors. 


Parang isa naman sa mga ninang si Rhea Tan ng Beautéderm.  


Anyway, masaya si Shaira na muling mapasama sa Book 2 ng Lolong bilang si Titser Elsie. May malaking pagbabago raw sa kanyang karakter na hindi na sinabi at baka raw magka-spoiler. Ikakasal sila ni Lolong sa story at aabangan ng mga viewers kung magiging masaya ang kanilang pagsasama. 

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page