ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 13, 2021
Nabalita kamakailan na hindi na in good terms ang dating magkaibigan na sina Daniel Padilla at Dominic Roque at hindi na rin nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.
Saksi kami kung gaano ka-close ang dalawa dahil parati naming nakikita si Dom sa mga events na may kinalaman sa buhay ni Daniel kasama rin ang kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.
Sa family gatherings nina Daniel ay ka-join din si Dominic.
Huli naming nakitang magkasama ang dalawa nu'ng dumalo si Dom sa launching ng negosyong Barbero Blues nina DJ at Kath na ginanap sa SM North noong Oktubre 27, 2019.
At heto nga, kamakailan lang ay nabalitang hindi na nga okay ang magkaibigan.
Base sa tsika ni Mama Loi sa Showbiz Updates nila ni Ogie Diaz ay may kinalaman daw ang gusot ng dalawa sa kapatid na babae ni Daniel na si Margareth Ford Planas o mas kilala bilang si Magui na 19 years old na ngayon.
Sabi ni Mama Loi, “May natanggap akong tsika kung bakit nag-unfollow-an sina Daniel at Dominic and it makes sense pero hindi natin alam kung totoo galing sa isang fan na subscriber natin. Nag-comment kung bakit nag-unfollow-an sina DJ at Dominic.”
May disclaimer kaagad si Ogie na, “So, hindi niya confirmed? Mahirap din kasing magpapaniwala sa mga siyempre, hindi mo kilala (tao) or galing sa fan na ito lang ang pakiwari niya, tapos paniniwalaan kaagad natin.”
Binasa ni Mama Loi ang text message sa kanya, “Daniel Padilla's sister (Magui) having intimate relationship to Dominic Roque before but na-friendzone lang ni Dominic ang sister ni Daniel dahil nakilala si Bea Alonzo. That is the reason why (kasi) umasa raw ‘yung sister ni Daniel."
"Totoo kaya ‘yun? Unconfirmed 'to, ha?” sabi pa ni Mama Loi.
“Gayunpaman, for verification ito,” saad ni Ogie.
Bukas ang BULGAR sa panig nina Daniel at Dominic.
Comments