ni Angela Fernando @News | Dec. 19, 2024
Photo: Martin Romualdez - FB
Nagbigay ng pahayag si Speaker Martin Romualdez kaugnay ng mga pagdududa sa ipinamimigay na cash assistance ng administrasyong Marcos, kabilang ang kontrobersyal na Ayuda Para sa Kapos at Kita Program (AKAP).
Ayon kay Romualdez, may tunay na mga benepisyaryo ang mga ayudang ibinibigay ng gobyerno na nakalaan para sa mga mahihirap at mga taong kapos ang kita.
Iginiit niya na ang mga programang ito ay naglalayong makatulong sa mga nangangailangan.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag sa gitna ng mga puna sa inaprubahang P26-bilyong pondo para sa AKAP na bahagi ng P6.325-trilyong national budget para sa 2025.
Magugunitang ang AKAP ay inisyatibo ng Kamara, na dating kinuwestiyon ng ilang senador habang binubusisi ang panukalang budget para sa susunod na taon.
Comments