top of page
Search
BULGAR

Akala raw, disenteng tao ang mga nasa mall... PRISCILLA, NADUKUTAN NG CELLPHONE SA BGC HABANG NAGSA-SHOPPING

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 18, 2024


Showbiz News
Photo: Priscilla Meirelles / FB

Natangayan ng cellphone si Priscilla Meirelles habang nagsa-shopping sa isang mall sa BGC, Taguig.


Ikinuwento ng dating beauty queen sa kanyang Facebook (FB) Live ang pangyayari. 

Aniya, habang nagba-blog daw siya sa mall, nabuksan ng mga mandurukot ang kanyang bag at nakuha ang kanyang cellphone. 


Well, nang bumalik siya sa Pilipinas ay binalaan na raw siya ng mga friends niya na maraming scammers sa BGC. Pero dahil nasa loob naman daw siya ng supermarket, naging kampante siya dahil akala niya ay mga disenteng shoppers lamang ang nandu'n.


Magaling na grupo raw ng pickpocketers ang bumiktima sa kanya dahil kahit naka-lock na raw ang bag niya, nagawa pa ring buksan ito, at ang bilis daw kumilos dahil nawala agad ang mga ito. 


Kaagad na pumunta sa pulisya ang estranged wife ni John Estrada para magreklamo.

Pahayag niya, “Would like to give a huge shout out to the BGC PNP team and Sr. PMAJ Judge Rowe Donato for all the help and assistance they gave me last night regarding the pickpocket incident inside MarketPlace Grocery Uptown Mall in BGC. 


“I’m impressed with their readiness and professionalism. Also want to shout out to the Security Team ng Megaworld/Uptownmall BGC Operation Center JSL for going above and beyond trying to help even though the incident happened inside the premises of their tenant or a third-party and they have no access to the third-party CCTV footage. 


“Will wait for further advice and updates from BGC police department and Uptown Mall security regarding the identification of pickpockets. The goal is to catch them.”


Bumalik ng bansa si Priscilla noong August 8 mula sa pagbabakasyon sa kanyang hometown sa Brazil. Habang wala siya, pumutok ang balitang hiwalay na sila ng mister na si John, at kinumpirma naman ito ng aktor sa pamamagitan ng isang statement sa Instagram (IG). 


Ayon kay John Estrada, napag-usapan daw nila ni Priscilla Meirelles na maghiwalay muna, pero sinagot naman ito ng former beauty queen at sinabing hindi raw totoong mutual decision ang separation.


 

3 yrs. nang single, ayaw daw tumandang mag-isa…

POKWANG, NAGHAHANAP NG BAGONG DYOWA


Showbiz Photo
Photo: Arianah Kelsey / FB - Marietta Subong / IG

Game na sumalang si Pokwang sa EXpecially For You segment ng It’s Showtime (IS) nitong nakaraang Sabado para maghanap ng ka-date.


Yes, after being single for 3 years, ay ready na ulit makipag-date ang komedyana sa guy na nakilala niya sa nasabing segment ng noontime show. 


Kasama ni Pokie sa show ang kanyang panganay na anak na si Mae, na siya raw nag-push sa Kapuso comedienne para sumali sa dating game. Tinulungan din siya ni Mae na pumili sa tatlong searchees.


Tanong ni Vice Ganda kay Pokwang, “Ano'ng nagkumbinse sa 'yo para umupo rito sa EXpecially for You?” 


Sagot naman ng komedyana, “Nire-renovate kasi ‘yung bahay. Wala kaming upuan.” 

Seriously, sey ni Pokwang, “Siyempre, I’m a fan of this segment. And of course, gusto ko naman ding maiba ‘yung ikot ng buhay.”


Ayon naman sa anak ni Pokwang, wish niya para sa nanay niya na makahanap ito ng isang partner na makakasama sa buhay kaya talagang siya ang nag-suggest sa mama niya na sumali sa EXpecially For You.


“Para sa ‘kin talaga, mas gusto kong tumanda s’ya nang may makakasama,” sabi ni Mae.

Sa tatlong searchees, si Richard na isang chef ang napili ni Pokwang na maging date niya.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page