top of page
Search
BULGAR

Air Force overall champ sa Phl Masters, RTC hakot ng medalya

ni MC @Sports News | Nov. 27, 2024



Ang Running Team Calabarzon (RTC) nang humakot ng medalya sa Philippine Masters International Athletics Championships kasama sina 77-year old Rosalinda Pendon Ogsimer na naka-8 gold sa athletics, 65-yr old coach Bhen Alacar ginto sa racewalk at NMSAAP organizer Judith Staples na ginto rin sa pole vault na idinaos sa Philsports Arena nitong nagdaang Nob. 8-10. (nmsaapfbpix)


Overall Champion ang Philippine Air Force sa Philippine Masters International Athletics Championships na idinaos sa Philsports Arena nitong nagdaang Nob. 8-10 kung saan nakasungkit sila ng 40 golds, 24 silvers at 17 bronzes habang runner up ang Police team sa 32 golds, 17 silvers at 15 bronzes, 2nd runner up ang First Sports Northern Philippine Athletics ng 30 golds, 37 silvers at 16 bronzes.


Gold naman sa discus throw, 36.22 m ang 43-anyos na si Arnel Ferrera. Namayani sa age 65 ng 4x100 m relay sina Demetro Advincula, Renato Dichoso, Escano Virgilio at Severino Alacar ng Team Baguio para sa gold sa oras na 1:09.42. Gold din si Alacar sa 3000m racewalk.


Si Judith Staples ang namayani sa pole vault, age-55 sa taas na lundag na 1.75 m. Gold si Jojie Daga-as sa age 47 ng Team Hukbong Kabitenyo sa 300m steeplechase men. Gold si 77-yr old Rosalinda Ogsimer sa 400m (2:19.28) Sa mga resulta ng laro hindi nagpahuli ang Running Team Calabarzon (RTC) nang maka-3 gold medal si Evelyn Nicolas sa F55 Category sa 10,000m Run, 5,000m Run, 4x400m Relay at bronze sa 100m Dash.


Sinundan ni 62-yrs. old Marlene Gomez Doneza ng Batangas City na naka- 4 golds sa F60 (10,000m Run, 5,000m Run, 3,000m Race Walk at 4x400m Relay). Hindi rin nagpahuli si 77-year old Orlando Tatay Orly Payumo sa M75 Category 5,000m Run- Gold habang si Randel Bagamasbad sa M30 category ay bronze sa 5,000m run.


Bumida rin si Lany Cardona Adaoag sa F30 Category ng 5,000m Run- Gold habang si Grace Gracia ay may 2 ginto sa discus throw at 4x400m at bronze sa 10,000m run sa F45 Category. Ginto rin si Jocelyn Davo Elijeran sa F45 Category ng 10,000m Run, maging si Nelson Elijeran sa M45 category ay bronze sa 1,500m Run.


Si Grace Panalangin sa F45 category ay bronze medal sa 10,000m Run habang silver naman si Darryl Golimlim sa M35 Category ng Javelin Throw at Nympha Miano-Ang sa bronze ng F55 category ng 5,000m run.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page