top of page
Search
BULGAR

AI na ang pinag-uusapan sa mundo, ‘Pinas intel fund na rin

ni Ka Ambo @Bistado | Nov. 6, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Artificial intelligence na ang pinag-uusapan sa buong daigdig ngayon.

Sa Pilipinas, intel fund pa rin.


------$$$--


KANYA-KANYANG press release ang mga kandidato.

‘Yan na mismo ang ‘fake news’.

Ha! Ha! Ha!


-----$$$--


WALANG nakakasabay sa modernisasyon at teknolohiya.

Nalipasan kasi ng panahon ang iskema ng edukasyon.


-----$$$--


HANGGANG ngayon sina Socrates at Plato pa rin ang modelo ng mga matatalino.

Huh, hindi sila matalino.

Hindi ba nagkaapo sina Socrates at Plato?


-----$$$---


BAGUHIN na dapat ang istruktura o iskema sa pagtuturo.

Nalipasan na ‘yan ng panahon.

Ibalik ang personal tutorial sa panahon ng mga kaharian.


----$$$--


Sa totoo lang, agrabyado ang mga anak ng mga nagdarahop sa mga anak ng mga mayayaman.


May tutor kada subjects ang anak ng mga “may salapi” samantalang nagtitinda pa rin ng bitso at puto si Butsoy imbes na magrebyu ng leksyon.


Sa honor roll, daig din sila sa sipsipan sa principal na laging may letseplan at patok ang tindahan sa online dahil suki ang mga taga-PTA.


-----$$$---


BIGYAN dapat ng mas malaking postura ang alternative learning system at home-study program.


Iyan ay dapat lagyan ng inobasyon — makakatipid ng klasrum, makakatipid ng gastusin ng mga estudyante.


-----$$$---


FIFTY percent dapat ng curriculum ay nakatuon sa international language learning, artificial intelligence, animation at coding.

Inaamag, panis at lipas sa panahon — ang kinopyang kurikulum mula sa ibang bansa.


Hindi na iyan ang uso sa susunod na 10 taon.


-----$$$--


MABILIS na nagbabago ang panahon tulad sa modelo ng kotse at cellphone.

Pero, ang curriculum, module at syllabus — ‘yun at ‘yun pa rin.


----$$$--


HANGGANG ngayon, lumang aklat pa rin ang ginagamit at dinidiktahan ng mga titser

ang estudyante.


Dapat nating maunawaan — ang kalayaan sa pagsasaliksik at praktikalidad — ang dapat pundasyon sa edukasyon.

Ganyan lang kasimple dapat.


------$$$--


ALISIN ang “honor roll” at ranking system.

‘Yan ang sumisira sa edukasyon!


----$$$--


ANG matatalino ay ginagawang iskolar gayung matalino na sila at may kakayahang tumindig sa sariling paa.

Ereng mga bobo o kapos sa karunungan dulot ng malnutrisyon at broken family — ay walang kumakalinga.


 ----$$$--


BAKIT walang scholarship para sa mga nahihirapang umunawa ng mga asignatura?


Bakit walang scholarship para sa laging “may back subject?

 

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page