ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 20, 2024
Photo: Ai Ai Delas Alas at Leeseunggi - Instagram
Positibo si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa pagpasok ng 2025. Ngayon pa lang, marami na siyang nilu-look forward sa susunod na taon.
“Ay! Lahat ng hula sa ‘kin ay bonggang-bongga. Looking forward ako sa 2025 and I think nagsimula na. Kaya super, super, super excited ako,” lahad ni Ai Ai nang makausap namin sa launch ng VBank ni Manong Chavit Singson na ginanap sa Bridgetowne Destination Estate along Eulogio Rodriguez Jr. Avenue during the Blackout Festival.
Gusto raw gumawa ni Ai Ai ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa susunod na taon.
“Kasi 35th anniversary ko din sa show business, kaya maganda ang 2025 para sa ‘kin. And I think ‘yung concert, movie, and ‘yung narinig n’yo, sabi ni Manong Chavit, kung ano ‘yung sinabi n’ya, tinutupad n’ya, kaya kasama ako sa movie ng GMA.”
Sa kabila ng nangyari sa personal na buhay ni Ai Ai, she still considers 2024 as a good year for her.
“Alam mo, 2024 is still a good year for me kasi marami pa rin akong shows sa Amerika. I think nagkataon lang ‘yun (hiwalayan with her hubby). So, I’m still thankful.
“Nagpapasalamat pa rin ako kasi maraming blessings ang dumating sa ‘kin. And nagpapasalamat pa rin ako dahil may mga maliliit na bagay sa buhay natin like buhay ako, wala akong diperensiya, wala akong sakit — that is a blessing from above,” esplika ni Ai Ai.
Bago pa ang interview namin kay Ai Ai, nagsabi na siya sa mga taga-media na um-attend sa launch ng VBank ni Manong Chavit na walang personal questions para sa kanya.
“‘Pag tungkol sa love, ayoko munang magsalita kasi nasa recovering stage pa ako. Super self-care. I love myself very much,” diin niya.
As part of her self-care, super dance, gym, pray, sleep, and read daw ang ginagawa niya.
Sey niya, “Nagri-read ako ng books. Kindle, tama?
“Oo, nakakatulong ang mga ginagawa ko na ‘yan. And ‘yung mga hindi ko ginagawa dati, gagawin ko like travel abroad. Pupunta ako Bangkok, etc.”
Anyway, sinabi ni Manong Chavit na si Ai Ai ang kanyang paboritong inaanak sa kasal. Naitanong namin kay Manong Chavit kung isasama ba si Ai Ai sa gagawin niyang Korean movie projects next year. Isa na d’yan ang Korean drama series na Vagabond ni Lee Seung Gi.
“I’m so happy na isa ako sa ambassadress ng VBank. God is good and maraming blessings na dumating. I hope hanggang next year.
“Sabi nga ni Ninong, kasali ako sa mga movies ng mga Korean ano, kaya I’m super excited. Alam mo kung bakit? Idol ko ‘yun, si Vagabond, si Lee Seung Gi. ‘Di ba ang ganda nu’n? Putol ‘yun. Dapat 21 plus ‘yung episodes nu’ng palabas, pero putol. So, parang excited ako nu’ng sinabi ni Manong (Chavit) na dito ipagpapatuloy ‘yung palabas.”
Paano nga ba siya naging paboritong inaanak sa kasal ni Manong Chavit?
“Oo, kasi palagi raw akong ano, ‘yung bubbly daw kasi ako. ‘Ninong!’ ‘yung ganyan. ‘How are you?’ Kunwari nanalo si ano, ‘Nanalo si Pacman. Pengeng pera!’” kuwento ni Ai Ai delas Alas.
Anyway, sa isang groundbreaking na hakbang para baguhin ang financial inclusion sa bansa, opisyal na ilulunsad ni senatorial candidate Luis “Chavit” Singson ang VBank app sa Quezon City sa Linggo, December 22.
Nangangako ang makabagong digital banking platform na maghahatid ng maginhawa at secure na mga serbisyong pinansiyal sa mga Pilipino sa buong bansa, na magmamarka ng isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbibigay-kapangyarihan sa mga komunidad na kulang sa serbisyo.
Sa kanyang mga pag-uuri sa probinsya, binigyan ni Manong Chavit ang mga manonood ng pampublikong demonstrasyon kung paano gumagana ang VBank app.
“Hindi lang ito tungkol sa pagbabangko, ito ay tungkol sa pagbibigay sa bawat Pilipino ng mga kasangkapan para makilahok sa ating ekonomiya,” paliwanag ni Manong Chavit.
Dagdag pa niya, “Ginagawa ng VBank na posible para sa sinuman, anuman ang lokasyon, na ma-access ang mahahalagang serbisyo sa pananalapi.”
Comments