ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 6, 2024
Mukhang papunta na talaga sa kasalan ang relasyong Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. Kinukuha na kasing ninong ng aktor ang King of Talk na si Boy Abunda.
Nag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) si Rayver at napag-usapan ang tungkol sa kasalan. Biniro ni Kuya Boy si Rayver na dapat ay sa programa niya i-announce ng magdyowa kapag magpapakasal na sila, at sagot naman ng aktor, “Yes. Saka ninong ka, Tito Boy.”
Sa Fast Talk segment ay natanong din si Rayver kung sino pa ang iba niyang kukuning ninong at ninang, at sagot ng aktor, “Miss Ai Ai (delas Alas) and Miss Lani (Misalucha).”
Napag-usapan din nila ang tungkol sa past relationships at natanong kay Rayver kung friends ba sila ng kanyang mga ex-girlfriends na sina Cristine Reyes at Janine Gutierrez.
“Hindi na kami nagkakausap, Tito Boy, pero ‘pag nagkita naman kami, wala namang problema. Ako pa mismo ‘yung lalapit at babati,” ani Rayver Cruz.
“Yeah, babatiin ko sila, wala namang problema,” dagdag pa niya.
EXCITED na si Kim Chiu na simulan ang first movie nila ni Paulo Avelino na very soon na nga raw since tapos na ang ghost month (August).
“Malapit na kaming mag-start and excited na kami, and then, ‘yung script, maihahanda na rin, so slowly gearing up na rin kami to start the movie,” pagbibigay ng update ni Kimmy sa panayam ni MJ Felipe bago umalis ang aktres patungong Taipei, Taiwan para sa ContentAsia Awards 2024.
When asked kung totoo bang sasali sila ni Paulo sa duathlon since panay ang biking and running nila together, sagot ng aktres, “No, hindi totoo ‘yun.”
Paliwanag niya, nagkataon lang na nag-enjoy din siyang mag-bike saka mag-run, so parang “Halika, sabay ka na.”
Anyway, kahapon (September 5) ginanap ang announcement ng winners ng ContentAsia Awards 2024 kung saan ay nominado si Kim as Best Female Lead in a TV Programme/Series para sa Linlang at hopefully ay maiuwi ng aktres ang award.
Comments