by Info @Brand Zone | November 6, 2023
Idiniin ng mga speaker at advocate ang kahalagahan ng "harm reduction" sa ginanap na media conference ng Asia Harm Reduction Forum (AHRF) 2023 sa Manila Prinde Hotel, kamakailan.
Layunin ng AHRF na palawakin ang kaalaman ng mga indibidwal, komunidad at gobyerno hinggil sa pagdedesisyon sa usaping kalusugan sa pamamagitan ng
accessible information at malayang diskusyon para mas maunawaan ang mga
benepisyo ng 'harm reduction.'
Ang “harm reduction” ay tumutukoy sa mga patakaran, programa, at kasanayan na nagpapaliit sa hindi magandang epekto sa kalusugan, panlipunan, at legal na paggamit, mga patakaran at mga batas sa droga. Nakatuon ito sa positibong pagbabago at sa pakikipagtulungan sa mga indibidwal.
Ilan sa mga keynote speaker sa nasabing forum ay sina Suely Castro, isang propesyonal na may higit sa dalawang dekada ng karanasan sa pakikipag-ugnayan para sa pagbabago sa pananaw ng publiko tungkol sa harm reduction, at Jeffrey Zamora, isang social media at marketing expert na isa ring harm reduction advocate.
“When we go and do events, we collaborate with people there, and we start at the very beginning, explaining what harm reduction is and building a foundation,” pahayag ni Castro.
Dagdag pa ni Castro, iniimbitahan raw nila ang mga industry expert at stakeholder para pag-usapan sa mga bansang may advance ng kaalaman tungkol sa 'harm reduction.' Nakikipag-ugnayan sila sa mga local partner para mas maintindihan nila ang usapin ukol dito sa bansa na kanilang pinupuntahan.
“We always have local partners because we want to understand the local issues and what is important for people,” sabi ni Castro.
Samantala, binigyang halaga naman ni Zamora ang mahalagang papel ng media para sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa harm reduction.
“We’re trying to educate the media, legislators, and regulators about the sciences. When it comes to consumer organization, we show the science is available so they can learn slowly and get into that discussion,” wika ni Zamora.
Bago ang presscon, una nang idinaos ang mismong forum sa Manila Hotel noong October 19. Sentro sa talakayan ang wastong pagpapaalam sa publiko, pagtataas ng mga talakayan, at pagiging bukas para sa debate ay ilan lamang sa mga pamamaraan na makakatulong sa mas maraming tao na maunawaan ang pagbabawas ng pinsala sa personal na antas upang makatulong na hikayatin ang iba na humanap ng mas ligtas na mga alternatibo o huminto sa paggamit ng droga.
Ilan pa sa mga keynote speaker sa nasabing forum ay sina Professor Jay Jazul ng University of Santo Tomas, Martin Culliip, a former company director and International Fellow of the Taxpayers Protection Alliance Consumer Center, Dr. Rohan Sequeira, a consultant cardio-metabolic physician, at Dr. Pacifico Calderon, a Bayanihan Awardee at the Australian Alumni Excellence Awards 2022 for his leadership and contributions during the COVID-19 pandemic.
Highlight din sa ginanap na presscon ang pagpirma ng mga speaker at advocate sa kasunduan na paigtingin ang layunin ng AHRF na ipahayag ang mga benepisyo ng nito. At para mas maraming masagip na buhay sa pamamagitan ng tamang impormasyon hinggil sa 'harm reduction.'
Comments