top of page
Search
BULGAR

Ahensiyang mag-aasikaso sa lahat ng problema ng mga OFWs, itayo na!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | December 11, 2020



Noong wala pang COVID-19, maraming OFWs ang umuuwi sa ating bansa tuwing Disyembre para magbakasyon at makapiling ang kanilang pamilya sa Kapaskuhan.


Pero bago pa ang Disyembre nitong taon, libu-libo na ang inilikas at pinauwing mga overseas workers natin dahil nasibak sa trabaho dulot ng pandemya. Kaya taranta to d’ max ang gobyerno.


And take note, natengga pa sila ng matagal sa Metro Manila, dahil sa 14-day quarantine. Limitado ang galaw kaya hindi rin agad makakuha ng ayuda na ipinangako para sa kanila.


‘Pag OFWs ang pinag-uusapan, maraming issues ang nakataya. Nand’yan ang distressed, displaced, abused at kung anu-ano pa! Pero ang tanong, sa dami ng mga ahensiya ng gobyerno na tumitingin sa kapakanan nila, naasikaso ba sila ng husto at tama?


Dahil d’yan, IMEEsolusyon tayong panukala na magtayo ng National Overseas Employment Authority o NOEA na siyang mangangasiwa at tututok sa lahat ng mga pangangailangan at problema ng mga OFWs.


Sa ilalim ng NOEA, hindi na daragdagan ang sangkatutak na Usec at Asec. Iko-consolidate rito ang mga overseas workers assistance fund. Magtatakda rin ng hiwalay na shelter para sa mga babae at lalaking OFWs, pati mga anak nila, kapag may emergency repatriation.


Ito rin ang mag-aasikaso sa permanent, temporary at irregular migrants. Bongga, ‘di ba? Itinuturing natin silang mga bagong bayani, kaya nararapat lang na organisado, systematic at efficient ang pag-aasikaso sa kanila.


Remember, nagpapasok sila ng malaking remittance sa kaban ng bayan. It’s very urgent na ayusin ang mga problema nila, at dapat holistic ang approach. Agree?

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page