top of page
Search
BULGAR

Agawan sa pagmamay-ari ng Okada… GRETCHEN AT ATONG ANG, OUT SA PATUNG-PATONG NA KASO NI TONY BOY

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 28, 2022



Juskolord!!! Nagkakagulo pala ngayon kung sino ang tunay na may-ari ng Okada Manila Hotel, ha?!


Nalaman namin itey sa ipinatawag na Pandesal Forum kahapon ng Kamuning Bakery owned by Mr. Wilson Flores kung saan humarap ang abogado ng Universal Entertainment Corp. (UEC) at Hong Kong-based Tiger Resorts Asia Ltd. (TRAL) — korporasyon na nagmamay-ari sa Okada — na si Atty. Estrella Elamparo na mula sa Divina Law Firm.


Kumplikado at masalimuot ang isyu ngayon sa agawan ng pagmamay-ari ng Okada Manila Hotel dahil mismong magkakapamilya ang involved na parang pampelikula ang kuwento, ha?!


At base sa info na ibinigay sa amin ni Atty. Star (nickname ng abogado), ang diumano'y may pinakamalaking share sa korporasyon na nagmamay-ari at nagpapatakbo ngayon sa Okada ay si Mr. Tomohiro Okada at hindi ang ama nitong si Mr. Kazuo Okada na nagke-claim na siya dapat ang may control sa kanilang family business dahil siya ang founder, kahit kung tutuusin ay wala na raw itong karapatan.


In fact, sasampahan pa nga ng kaso ng anak ang ama sa Hong Kong dahil sa akusasyong pakikialam nito sa pera ng korporasyon na humahawak sa Okada gayung wala na nga itong karapatan.


Ang siste, kinuha raw ni Mr. Kazuo Okada ang businessman at long-time partner ni Gretchen Barretto na si Mr. Tony Boy Cojuangco para maging representative niya rito sa 'Pinas at ginawa itong board member kasama ang ilan pang negosyante para magkaroon pa rin siya ng kontrol sa Okada.


Ito ang kinukuwestiyon ngayon ni Mr. Tomohiro Okada kaya nagkaroon ng kasuhan sa korte dahil wala naman daw ni 1 percent share si Mr. Cojuangco sa Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI) na nag-o-operate sa Okada, pero bakit ito naging part ng board at in-appoint pa ngang CEO ni Mr. Kazuo Okada.


At heto pa, recently, dahil nga sa diumano'y illegal takeover sa pamamahala sa Okada, nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng kampo ni Mr. Tomohiro at nina Mr. Tony Boy kung saan kabilang si Atty. Star sa mga nasaktan kaya nagsampa sila ng kasong harassment, kidnapping, grave coercion and unjust vexation.


Ipinalinaw naman namin kay Atty. Star ang matagal nang bulung-bulungan sa mundo ng showbiz na shareholder daw sina Gretchen at Mr. Atong Ang ng Okada, Manila.


Diretso naman kaming sinagot ni Atty. Star na as far as the records show daw, wala sa eksena sina Gretchen at Atong Ang.


Meaning, hindi sila kasama sa Okada at wala silang share o anumang pag-aari rito kaya hindi rin sila kasama sa mga kinasuhan tulad ni Mr. Tony Boy Cojuangco at 20 board members pa ng Okada.


Sa ngayon, ongoing pa ang court battle at hearing ng dalawang kampo.


Basta ang malinaw, hindi kasama si Gretchen Barretto sa mga kinasuhan tulad ng iniisip ng iba na kaya raw siguro nananahimik ngayon ang aktres-philanthropist.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page