ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 9, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_29797da85a6a46b39df500271ddc943b~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_29797da85a6a46b39df500271ddc943b~mv2.jpg)
Kabilang na sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa mga endorsers ng Beautederm ngunit sa nakaraang mediacon para sa kanilang renewal ng kontrata ay hindi umano nakarating ang aktres kaya’t ‘di ito nahingan ng reaksiyon sa mga naging pahayag ng kanyang boyfriend na nagpaplano na itong magpagawa ng bahay para sa kanyang future family.
Bukod dito ay nagsabi na si Ruru sa CEO at founder ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na kukunin niya umano itong ninang sa kasal at umoo naman si Ms. Rei, kaya masayang sabi ng aktor, “Yes! It’s a yes!”
Inamin naman ni Ruru na nagpapagawa na umano ito ng bahay para muna sa pamilya niya at ang susunod ay para sa future family niya.
“'Yung isa po, para sa pamilya ko. Iyon po 'yung dream house ko for them. And after that, once na matapos ko na po 'yun, siyempre, para sa aking susunod na pamilya,” saad ng aktor.
Binanggit din niyang si Bianca ang sinasabi niyang "susunod na pamilya".
“Yes. Hopefully,” sagot ni Ruru sa nagtanong pagkatapos ng mediacon ng Beautederm.
Grateful ang aktor sa mga blessings na natatanggap niya ngayon dahil sa magandang pag-aalaga sa kanya ng GMA-7 at napabilang pa ito sa Sparkle GMA Artist Center.
Aniya, “'Di naman kami (nang)galing sa mayamang pamilya, (kung kaya’t ‘di ko) hahayaang bumalik kami sa buhay na maghihirap ulit ang pamilya ko.
"Sinabi ko talaga sa simula na nagtrabaho ako, kahit na nakakapagod, kahit na dugo’t pawis ang iaalay ko rito, okay lang sa akin basta mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko, at iyong magiging pamilya ko na susunod sa buhay ko.”
Bukod kina Ruru at Bianca ay kasama rin sina Sanya Lopez, Cassy Legaspi at Rayver Cruz sa mga nag-renew ng kontrata sa Beautederm.
Sa nakaraang mediacon ay binanggit ng aktor na halos lahat ng produkto ng Beautederm ay ginagamit niya dahil umano sa kanyang balat.
“When I went to Korea, nag-breakout ang skin ko kaya ginamit ko ‘yung Blanc Set. After that, ginagamit ko rin 'yung iba like Charcoal (soap) sa face para fresh. Actually, lahat talaga effective, depende sa sitwasyon ng balat ko,” kuwento pa ng aktor.
Sa limang taong partnership ni Ms. Rei sa Sparkle GMA Artist Center ay sobra siyang nagpapasalamat dahil walang naging problema among the artists at ang daling kausap lalo na in terms of posting sa kani-kanilang social media para sa promo na bahagi ng kanilang kontrata.
Ayon kay Ms. Rei, “I value my partnership with Sparkle GMA Artist Center. Part of the reason why Beautéderm continues to sparkle is because of these artists—Ruru, Rayver, Cassy, Bianca, Sanya—who put us on the map. They represent the brand well through their efforts, talents, and beauty inside and out.
“Beautéderm is beyond grateful and beyond beautiful. We are dedicated to reaching more people all over the world, making sure they have quality products to rely on—from beauty to wellness products. And by expanding more, we are able to help more people—from elderly people to our scholars.”
Nabanggit din ng CEO na mayroon siyang mahigit 100 scholars, kabilang ang mga anak ng empleyado niya, at mga kababayan niya sa probinsiya, bukod pa rito ay may quality assistance rin siya para sa mga matatanda.
Kaya pala ganito ito kasipag sa pagpo-promote ng kanyang mga produkto dahil ang part of the proceeds ay napupunta sa mga tinutulungan nito.
“For me, beauty goes beyond the face. It is reflected in one’s soul. The intention of Beautéderm is not just to make people beautiful and glowing, but to extend hands to those in need—through the support and success of our resellers, distributors, and franchisees.
“What you do to the communities make you beautiful. Recently, some of our scholars graduated with honors and that makes me extremely happy—that is the real measure of success—the number of hearts and lives you’ve touched,” pahayag ni Ms. Rei.
Comments