ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 8, 2025
Photo: Mark Herras IG - Circulated, iTrend FB
Pagkatapos pagpiyestahan si Mark Herras dahil sa kanyang pagsasayaw sa gay bar — na inamin naman ng aktor at proud pa ngang sinabi na wala siyang nakikitang masama dahil ang importante ay naipambubuhay niya ito sa kanyang pamilya — may bago na namang kontrobersiyang ibinabato ngayon sa Kapuso actor.
This time, muling nag-trending si Mark sa social media dahil sa mga kumalat na larawan kung saan spotted silang magkasama ng rich businessman at uprising singer na si Jojo Mendrez sa isang hotel casino nu’ng February 5, bandang 11:30 PM.
Wala namang kakaiba sa larawan at hindi naman sweet sa isa’t isa sina Mark at Jojo, pero may mga netizens pa rin ang nagbigay ng malisya at pinagdududahang baka may ‘something’ ang dalawa.
Mabuti na lang at agad naglabas ng pahayag at paglilinaw ang AQUEOUS ENTERTAINMENT para matigil na ang isyu.
Anila sa kanilang inilabas na statement, “The post showing the photos of our artist Jojo Mendrez and Mr. Mark Herras together is purely a malicious content. Jojo and Mark are good friends. Nothing more. Nothing less.”
Samantala, pagdidiin pa ng isang source na malapit sa rich businessman-singer, purely friendly meet-up lang daw ‘yung pagsasama nina Mark at Jojo sa hotel casino.
Gumawa raw kasi si Mark ng video reaction para sa kanta ni Jojo na Somewhere in My Past na unang kinanta at pinasikat ng the late singer-actress na si Julie Vega.
So, ayun naman pala!
Klaro?!
Pangatlo na raw, tubig, tumutulo sa bibig…
FRENCHIE, INATAKE NA NAMAN NG BELL’S PALSY
Inatake muli ang singer na si Frenchie Dy ng sakit na Bell’s Palsy sa pangatlong pagkakataon.
Mismong si Frenchie ang nagbalita nito sa kanyang Facebook (FB) account kahapon.
Napansin daw ni Frenchie na nag-iba na ang panlasa niya habang kumakain ng lunch with her husband. At nu’ng uminom na siya ng tubig, naramdaman niya na tumutulo sa side ng bibig niya ang kanyang iniinom.
Pahayag ni Frenchie, “Medyo naiiyak ako kasi pinanghinaan ako ng loob. Pero I know na maraming nagpe-pray for me. Nand’yan ang asawa ko, nand’yan ‘yung mga anak ko, my friends. Lahat ng sumusuporta sa ‘kin, nand’yan, so kaya ko ‘yan. Laban lang.”
Nagpasalamat naman si Frenchie sa medical staff na tumulong sa kanya. At ipinakita niya pa sa video ang mga gamot at vitamins na tine-take niya gaya ng Vitamin B2, steroids atbp. na pangontra sa anumang komplikasyon at pananakit.
Nagpasalamat si Frenchie, siyempre pa sa Diyos at tila gagawin na niyang adbokasiya na maghatid-impormasyon sa publiko tungkol sa sakit na Bell’s Palsy at kung paano makaka-survive.
Sa kasalukuyan, maaaring bumuti ang mga sintomas ng sakit ni Frenchie sa loob ng ilang linggo at umaabot ng anim na buwan para maka-recover nang tuluyan. Pero meron din daw na habang buhay nararanasan ang mga sintomas ng Bell’s Palsy.
Exception to the rule naman si Frenchie sa mga taong nakaranas at naka-survive sa sakit na ito nang 3 beses. Usually, hanggang isang beses lang daw ito tumatama sa isang tao.
Last December namin huling nakita nang personal at nakapanayam si Frenchie. And that was during the contract signing ng mga artists ng talent management nina Direk Cathy Garcia-Sampana, ang CLNjK Artists Management under the umbrella ng company nila na NICKL Entertainment.
Isa si Frenchie Dy sa mga mentors ng mga talents sa CLNjK.
Commenti