top of page
Search
  • BULGAR

After pagpiyestahan ng mga netizens… BEA, BIGLANG BAWI SA INAMING SI DOMINIC ANG NAKIPAG-BREAK SA KANYA

ni Nitz Miralles @Bida  | June 17, 2024


Bea Alozo - Dominic Roque
Photo: Bea Alozo - Dominic Roque / FB Circulations

Present si Carla Abellana sa Peach Fuzz launch ng Bash Manila owned by Bea Alonzo. Naging close ang dalawa nang magkasama sa Widows’ War (WW) na world premiere na sa July 1 sa GMA-7. 


Successful ang event at siguradong mabilis magiging soldout ang mga products in peach color. 


Dumalo rin sa event si Andrea Torres na naging close rin kay Bea nang magkasama sila sa Love Before Sunrise. 


May Kapamilya artists din sa event gaya nina Julia Montes, Darren Espanto at Vice Ganda. 


Anyway, last week pa ang interview ni Bea kay Nelson Canlas kung saan inamin nito na hindi siya ang nakipag-break kay Dominic Roque at hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ito. 


Natanong si Bea kung bakit niya sinabing si Dominic ang nakipag-break sa kanya.


Ang sagot ni Bea, hindi raw ‘yun ang ibig niyang sabihin o sagot sa tanong ni Nelson, pero ‘yun ang lumabas. Maganda rin naman na ‘yun ang naisagot ni Bea para alam ang totoo dahil marami ang nag-assume na si Bea ang nakipag-break. 


Na-curious tuloy ang mga fans kung ano dapat ang isasagot ni Bea at baka mas controversial pa sa inaming hindi siya ang nakipag-break. 


Also, mali ang iniisip at inaakala ng haters at bashers ni Bea na last project na niya sa GMA Network ang Widows’ War dahil may next project na uli siya sa network at pag-uusapan na nga raw. Magre-renew din siya ng kontrata sa Kapuso, pero matagal pa at focused muna siya sa nasabing serye. 


Sa ngayon, ang WW ang priority ni Bea at masaya ang management nito dahil maganda ang feedback ng trailer. Masaya rin ang creative ng series nang i-preview ito, tiyak silang magugustuhan ang murder mystery series sa direction ni Zig Dulay.


 

Kahit busy na bilang head ng Senate Spouses…

HEART, TULOY ANG RAMPA SA PARIS


Heart Evangelista
Photo: Heart Evangelista / IG

Naunang ibinalita ni Heart Evangelista na she’s off to Paris for the Fashion Week.


Siguradong kapag nag-post si Pia Wurtzbach na a-attend din siya ng Paris Fashion Week, magsisimula na naman ang non-stop bardagulan ng kani-kanilang mga fans. 


Aakusahang gumaya si Pia dahil nauna na ngang ibalita ni Heart na on her way na siya sa Paris and in fact, nasa eroplano na siya.


Makakadalo pa rin si Heart sa iba’t ibang fashion week kahit busy siya bilang president ng Senate Spouses PH. Nabanggit naman nito na aayusin ang schedule niya at babalansehin niya ang time niya sa organisasyon at sa kanyang personal na mga lakad at ginagawa. 


Hindi na lang siguro siya masasamahan madalas ng husband niyang si Senate President Chiz Escudero dahil busy. In fact, bago lumipad pa-Paris, nakipag-meeting sina Heart at mga kasama sa Senate Spouses kay Pagcor Chairman Al Tengco to ask for support and partnership sa mga projects na gagawin ng organisasyon.


Nothing to worry ang nag-aabang kay Heart sa GMA Gala Night 2024 sa July dahil dadalo siya kasama si Chiz. Baka nga habang nasa Paris siya, dalhin na niya pabalik ng bansa ang ipinagawang gown na isusuot sa GMA Gala Night.




0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page