top of page
Search
BULGAR

After nina Paulo at Paolo, letter P uli… LJ, IKAKASAL NA KAY PHILIP EVANGELISTA

ni Julie Bonifacio @Winner | May 30, 2023



Top trending sa Twitter ang news ng engagement ni LJ Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na ngayon nga ay fiancé na niya sa USA.


Inilagay ni LJ ang Jeremiah 29:11 verse sa Holy Bible bilang caption sa Instagram post niya ng mga pictures ng proposal sa kanya ng non-showbiz guy who is based in New York na si Philip Evangelista.


Hindi lingid sa marami na may dalawang panganay na anak na siya — one from Paulo Avelino na si Aki at si Summer kay Paolo Contis.


Naku, letter "P" ulit ang start ng pangalan ng bagong lalaki sa buhay ni LJ, ha! Muntik pa nga itong maging "Paolo."


Samu't sari ang naging reaksiyon ng mga netizens sa naturang IG post ng Kapuso actress. "Bakit kaya I am happy for LJ Reyes? Siguro, after all the boys she loved, now she met a man."


"LJ Reyes being engaged now is maybe a sign that those who have been broken into pieces and been cheated on is now their time to be happy. Like, tables really do turn, right? Kami naman. JEREMIAH 29:11, INDEED."\


"Buhay mo 'yan, pero 'wag masyadong ulaga. Tandaan mo, 2021 lang 'yung breakup n'yo ni Paolo Contis at may anak pa kayo na si Summer. Then, 'yung relationship mo before with Paulo Avelino ay may Aki naman kayo. Ano, tatatlo pa? Ikalma mo naman ang sarili mo!"


May point naman, pero maging happy na rin tayo for LJ na sana nga, natagpuan na niya si Mr. Right!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page