top of page
Search

After ni Pia… MAYMAY, RARAMPA RIN SA PARIS FASHION WEEK

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 27, 2024



Showbiz News

After Pia Wurtzbach, si Maymay Entrata naman ang rarampa sa runway ng Paris Fashion Week (PFW). At hindi lang siya basta manonood ng fashion show dahil maglalakad siya sa runway. 


Irarampa ni Maymay ang design ni Leo Almodal at ng Vietnamese designer na si Phan Huy.


Gaya sa pag-aabang ng mga Pinoy sa pagrampa ni Pia, tiyak na aabangan din ang pagrampa ni Maymay sa September 28 and 29. 


Heto pa, magpe-perform din si Maymay sa opening at bago ang runway show ay may gagawin siyang concert kasama ang ilang Filipino artists at artists from different countries.


Sa interbyu ng ABS-CBN News, sabi ni Maymay, “Ako po ay sobrang excited po for the Paris Fashion Week, kasi first time ko pong pumunta du’n. First time kong inimbitahan.”

Ang MM Milano Fashion Brand ang nag-imbita kay Maymay sa PFW at nabanggit nito na nakapunta na siya sa Paris, pero iba ngayon dahil model at performer siya.


“Pinaghandaan ko po talaga ‘tong Paris project kasi first time ko pong inimbitahan ng Paris Fashion Week and of course mag-perform din du’n,” dagdag ni Maymay Entrata.


 

SINA Barbie Forteza at David Licauco ang new ambassadors ng Save The Children Philippines (STCP) at ipinakilala sila sa partnership signing ng GMA Network.


Todo-pasasalamat si Barbie sa pagpili sa kanya bilang ambassador ng nasabing non-profit organization.


Pahayag ng aktres, “Gagamitin ko po ang aking profession as an actress at ang aking platform to influence our children to know their rights kahit at an early age. At siyempre, pagbutihin ang kanilang pag-aaral nang sa ganu’n ay sila ang magiging mabubuting leaders in the future.”


Nagpasalamat din si David sa pagkakapili sa kanya, lalo na’t siya ang first male Filipino ambassador ng organisasyon.


“First of all, I want to say thank you to Save the Children Philippines for choosing me alongside my love team, Barbie Forteza. Thank you rin sa GMA dahil sa pagkuha nila sa ‘kin and now, ambassador na ako ng Save the Children Philippines,” sabi nito.


Dagdag pa ni David, panahon na para gamitin ang platforms nila sa mabuting paraan. 

Sey ni David, “Our goal is to set a good example for the youth, to inspire, and empower the children to keep chasing their dreams.”


Samantala, wala naman palang dapat ikabahala ang BarDa (Barbie at David) fans dahil hindi bubuwagin ng GMA Network ang kanilang love team kahit matapos ang Pulang Araw (PA). Kabaligtaran ito sa balitang tatapusin na ang kanilang tambalan at ipapareha na sila sa iba.


 

Taga-Singapore at Myanmar ang kalaban…

KATHRYN, PAMBATO NG 'PINAS BILANG BEST ACTRESS SA ASIAN ACADEMY CREATIVE AWARDS


Kathryn Bernardo

IPINAGBUBUNYI ng mga fans ni Kathryn Bernardo ang pagiging National Winner niya as Best Actress sa Asian Academy Creative Awards (AACA). Ito ay para sa pelikulang A Very Good Girl (AVGG).


Sa December ang grand finals na gaganapin sa Singapore at dalawa sa makakalaban niya ay ang Singaporean actress na si Kym Ng at Myanmar actress na si Poe Mamhe

Thar. 


Tama ba kami na kapag nanalo si Kathryn Bernardo, siya ang first Filipina na mananalo sa AACA?


Tamang-tama ang balitang ito dahil nagsisimula na ang promo ng Hello, Love, Again (HLA) movie nila ni Alden Richards. 


Sa November 13, 2024 pa ang showing, pero nagkakagulo na ang mga fans.

                                                      

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page