top of page
Search
BULGAR

After ng KathNiel… LIZA, UMAMIN NA RING OCTOBER, 2022 PA SILA BREAK NI ENRIQUE

ni Beth Gelena @Bulgary | December 3, 2023



Pagkatapos ng pag-amin ni Kathryn Bernardo sa breakup nila ni Daniel Padilla, heto at umamin na rin si Liza Soberano na break na sila ni Enrique Gil.


Mas nauna pa nga raw nag-break ang LizQuen kesa sa KathNiel, hindi lang daw ito inilabas dahil may isang taong nakiusap.


Sinabi umano ito ni Liza sa isang interbyu last March, 2023. Nag-break daw sila noon pang October, 2022. At hindi nga raw nai-release ang interbyu dahil sa request ng mga malalapit na tao sa ex-couple.


Ang paghihiwalay nina Kathryn at Daniel ay isa sa pinakamalaking balita sa showbiz bago matapos ang 2023 na hanggang ngayon ay palaisipan kung may third party nga ba sa katauhan ni Andrea Brillantes.


Sa parte ng LizQuen, matagal na silang nababalitang hiwalay, pero walang inaamin ang magkabilang kampo.


Nu'ng nainterbyu nga si Enrique sa sitsit na hiwalay na sila ni Liza, ang isinagot niya ay "We’re good, we’re good.”


Dugtong pa nito, “She’s just really busy with her stuff there. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good.


“Because Hope [palayaw ni Liza] is in the U.S., she is doing her own thing which I am going to support no matter what. I love her to death.”


Ang panayam na 'yan sa actor ay lumabas nu'ng April, 2023. Buwan naman ng Marso nang sinabi ni Liza na break na sila ng actor.


Kaya naman sa ibang panayam sa aktres ay 'sumakay' na rin siya sa isinagot ni Enrique.


Kung ikokompyut, mahigit isang taon na palang hiwalay ang LizQuen.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page