ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 6, 2022

“Never to fu*king date someone in the industry," ito ang payo ng aktor na si Markus Paterson sa mga young actors ngayon.
Sa episode ng Rise Artist Studio’s Boys After Dark (B.A.D.) ito sinabi ni Markus kung saan co-hosts din sina Anthony Jennings, Jae Miranda, Gello Marquez, at Aljon Mendoza na ang topic nila ay tungkol sa truth at honesty sa mga nakarelasyon nila.
Kani-kanyang kuwento ang mga ito ng mga karanasan tungkol sa mga nakarelasyon nila o sa mga taong malapit sa kanila na nakakaranas ng cheating at hindi sinunod ang three-month rule na huwag munang magdyowa.
Kaya ang sabi ni Markus, “Kapag ikaw ang nag-cheat o nang-iwan, bigyan mo naman ng grace period ‘yung ex mo para (maka-move on).”
Ibinatong tanong ni Aljon kay Markus, “So, sa susunod na relationship mo?”
Nagulat ang ama ng anak ni Janella dahil mukhang advanced taping ito ng Boys After Dark dahil hindi pa siya umaamin na hiwalay na sila ng aktres. Pero umamin naman na ang huli sa vlog ni Bernadette Sembrano nitong Linggo sa YouTube channel ng TV Patrol host.
Pero sinagot pa rin ito ni Markus ng, “What do you mean in my next relationship? Susunod na relationship, ha, ha, ha! Tang-*na, kung may lessons ako sa mga relationship ko, is never to fucking date someone in the industry! ‘Wag n’yong i-cut ‘yan, seryoso ako diyan! (sabay tingin sa camera).”
Binigyan ng group hug si Markus ng mga kasama niya at sabay sabing, “Okay lang ‘yan. Mahal ka namin. Sino ba ‘yan?”
Tila hindi nagustuhan ng mga netizens ang pahayag na ito ni Markus dahil pawang masasakit na salita ang mga nabasa naming komento sa thread ng episode nila.
Ang ilan sa mga nabasa namin, “Thank you for letting us see Paterson’s true colors! It made me remember why I was so disappointed when Jea and him were together.”
Sabi naman ng isa pa, “Buti na lang, break na sila, he’s holding Janella down with his off attitude tapos 'di naman relevant.”
May nagsabing kaya raw ito ang sagot ng aktor ay dahil may pinaghuhugutan siya since umamin na si Janella na single mom siya.
Bukas ang BULGAR sa kampo ni Markus at ano rin kaya ang reaksiyon ni Janella sa sinabing ito ng tatay ng anak niya.
Comentários