ni Beth Gelena @Bulgary | May 23, 2024
Nakuhanan nang pahapyaw na pahayag si Dominic Roque after ng breakup nila ni Bea Alonzo.
Ayon sa aktor, “I'm okay, yeah. I'm okay and happy, everything is going alright.”
Sey pa ni Dom, pinagtutuunan daw niya ngayon nang husto ang kanyang business.
Busy din daw siya sa paggawa ng content kung saan bumibiyahe pa siya abroad dahil tungkol sa pagmomotor ang kanyang content.
Sey ng isang netizen, “He got played. You deserve better, Dom.”
Isang fan ni Bea ang tila nainis sa komento, “Sus, saan resibo mo na he got played? Otherwise, shut up.”
“He got played, eh. Umabot ng 3 years at sino ang mas nakilala? Si Bea ba?”
“Totoo! Merong itinakda na better for you, Dominic.”
“Si Bea nga ang excited, pati sa guesting kina Luis at Ivana, gustung-gusto na niyang magkaanak. Sadyang may nangyari kaya nag-break sila, hindi sila meant to be.”
“Ano’ng he got played? Sa totoo lang, mas nag-benefit s’ya sa relasyon nila ni Bea. Mas nakilala s’ya. Dumami followers and endorsements, so thanks to Bea.”
"Ok lang ‘yan, Dom. Toxic naman ang ex.”
Comments