After ng hiwalayan… DANIEL, LAGLAG SA ENDORSEMENT NILA NI KATHRYN
- BULGAR
- Jan 23, 2024
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 23, 2024

Pagkatapos ilaglag sa imbitasyon sa kasal ng kaibigan niyang si Dominic Roque, ayon sa mga report, mukhang laglag ulit si Daniel Padilla sa isang product endorsement.
Napansin kasi ng mga netizens ang ipinost ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram na ilang pictures niya habang hawak ang isang can ng softdrinks.
Matagal na nagkasama sina Kathryn at Daniel bilang endorsers ng softdrink product.
Pero sa ipinost ni Kathryn na obviously ay bagong photo shoot for the said soda product, solo lang na lang daw siya as endorser ng naturang produkto at mukhang ‘di na ini-renew si Daniel.
Nakakalungkot ang balitang ito for Daniel dahil baka magsunuran na rin ang iba pa nilang ine-endorse na products ni Kathryn.
Huwag naman sana.
Comments