top of page
Search
BULGAR

After ng breakup nila ng madir ng anak… CARLO, IPINAGSIGAWANG SINGLE ULI

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 4, 2022




Isa rin sa mga bida ng seryeng How To Move On in 30 Days ay si Carlo Aquino na meron ding karanasan sa breakup sa noo'y kinakasama niyang non-showbiz GF na si Trina Candaza kung saa'y meron silang anak.


Inamin ni Carlo na hanggang ngayo'y tuloy pa rin ang communication nila ni Trina para sa kanilang anak.


Nang kumustahin ng media ang kanyang anak kay Trina na si Enola Mithi sa ginanap na mediacon sa Dolphy Theatre last April 1, napangiti ang mga press sa kanyang sagot.


"Masarap makita ang semilya mo," may himig biro pa ng aktor.


Kambiyo naman niya, "Ha, ha, ha! Sorry, ha? Hindi, ang sarap... kasi meron pa palang ibang pagmamahal na hindi ko pa alam. Ang sarap naman nu'n, 'yung pinagtrabahuhan mo, hindi na lang para sa 'yo, para sa anak mo na."


Ilang days siyang naka-move on sa hiwalayan nila ni Trina?


"Hindi ko alam, eh, dapat ba, may timeline? Wala yatang timeline 'pag ganu'n, eh. Inaano ko lang siguro, inaalagaan ko 'yung present para 'yung past, hindi na mag-jump sa future? Make sense ba 'yun?" balik-tanong niya.


May komento ang aktor sa nasabi niyang wala na raw pag-asang maging present o future pa ang kanyang past.


"Ayokong magsalita nang tapos. Kung ano 'yung ibinigay ng universe, siyempre, tatanggapin mo 'yun. Wala ka namang magagawa, 'yun ang nakasulat sa palad mo, eh."


Sa ngayo'y 'single' pa rin daw ang estado ng buhay ni Carlo kahit pa tuluy-tuloy ang komunikasyon nila ng ex.


"Always 'yun, palagi namang 'yun, nanay siya ng anak ko," pahayag ng aktor.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page