After ng 3 terms ng mister… ABBY, PALIT KAY JOMARI BILANG KONSEHAL SA P’QUE
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 26, 2025
Pahinga muna sa pulitika ang three-term councilor sa District 1 ng Parañaque na si Jomari Yllana at this time, ang mala-Mama Mary beauty niyang misis na si Abby Viduya naman ang susubok sa public service sa unang pagkakataon.
Pag-amin ng dating sexy actress nang makapanayam namin kahapon, hindi si Jomari ang nagtulak sa kanya na tumakbong konsehal dahil in fact, ayaw sana ng mister na pumasok na rin siya sa pulitika dahil magulo at maintriga raw ito.
Katwiran ni Abby, open book ang buhay niya at wala naman siyang itinatago kaya ano’ng dapat niyang ikatakot na gawing bala laban sa kanya?
At dahil ang mga taga-Parañaque na raw mismo ang humiling kay Abby last 2022 pa na ituloy ang mga naumpisahang proyekto ni Jomari kaya napapayag siya, lalo’t napag-alaman ng dating aktres na napakarami pala niyang kamag-anak sa lungsod dahil dito talaga ang kanilang roots.
Habang pahinga sa pagiging konsehal, babalikan ni Jomari ang kanyang showbiz career at in fact, may nai-shoot na pala siyang movie kasama si Judy Ann Santos, ang Call My Manager at waiting na lang na maipalabas ito.
May gusto rin siyang gawing docu series about motosport since isa pang love niya ang car racing.
Gusto rin daw mag-take ni Jom ng course sa musical scoring bago siya mag-try magdirek ng movie.
And lastly, pangarap daw ni Jomari na maging Ambassador of Spain!
Ang roots daw kasi ng mom niya ay sa Mallorca, Spain at nang maka-recover na ang ina mula sa two weeks na pagka-comatose, pangako ni Jomari rito na bigyan lang siya ng konting panahon at dadalhin niya ang kanyang Mommy Vicky sa Spain.
Hirit pa ni Jomari, “Sabi ko, ‘Mangangarap lang din ako, okay ba sa ‘yo (Mommy Vicky) na maging ambassador ako? Tawa siya nang tawa.”
And since naka-three-term councilor na nga si Jomari, hindi na raw niya kailangang mag-exam if ever mag-a-apply siya para maging ambassador sa Spain na isa sa mga requirements sa position.
Naku, if ever manalong konsehal si Abby at matupad naman ang wish ni Jomari na maging Ambassador of Spain, kailangan nilang maghiwalay dahil magiging Spain-based na si Jomari.
Luh! Kaya kaya? Haha!!!
Sabi pa naman ni Jomari, two minutes lang siyang mawala sa tabi ni Abby, eh, hinahanap na siya.
Ganyan nila ka-love ang isa’t isa kaya mula sa pagiging ‘first love’, naghiwalay, parehong nagkaasawa’t nagkaanak, ngayon, 6 years na silang together again at balak uling magpakasal sa Bicol, na kung kelan, ‘di pa nila mahanapan ng time. Baka sa 10th year nila, puwede!
Samantala, ‘di naman daw sinasabi ni Jomari na never na siyang babalik sa public service. In fact, kino-consider din niyang tumakbo for a higher position tulad sa Congress, but not this time.
Si Abby naman, ang bongga ng naisip dahil aniya, sakaling palarin siyang manalong konsehal, ang gusto niyang maging project ay bigyan ng kabuhayan showcase ang mga kababaihan sa 1st District ng P’que para ma-empower ang mga ito na kumita ng sariling pera.
AKALAIN mo ‘yun, ang tinaguriang Pambansang Marites na si Christian “Xian” Gaza, aba’t artista na rin pala!
Nagbunga ang pag-iingay at pakikisawsaw ni Xian Gaza sa mga isyung-showbiz kaya dumami ang mga followers niya sa kanyang FB page, at ngayon, heto at umaarte na rin siya.
Yes, tampok si Xian Gaza sa seryeng mapapanood sa bagong streaming app na CinePOP! at kasama niya ang mapang-akit na si Joni McNab sa LOVERBOI (PPV).
CinePOP! was officially launched last April 23, 2025. Kaya, get ready to download the CinePOP! app at mag-subscribe rin sa cinepop.film para makapanood ng bagong content araw-araw!
Kung gusto mo ng ekstra kilig, may Pay-Per-View (PPV) option din para sa mga exclusive na mature na pelikula tulad nga ng LOVERBOI (PPV).
Hindi ito ang kuwento na magpapaka-prim at proper. Nagsimula sa harutan, pero mamaya, wala nang preno - diretso sa init na walang katapusan.
Hindi lang katawan ang ipapakita ni Xian sa LOVERBOI, makikita rin ang bawat motibo, intensiyon, at tukso na hindi kayang pigilan.
Hindi na kailangang maghintay ng mahahabang pelikula na puro build-up pero wala namang hatid. Dito, isang swipe lang sa phone mo, ‘andiyan na. Vertical-first ang CinePOP! kaya parang may sarili kang sinehan sa kamay mo — walang abala, walang istorbo.
Ang mga palabas sa CinePOP! ay likha ng mga bihasa at batikang filmmakers, mga tunay na direktor na may mata sa detalye at puso sa kuwento. Gamit ang high-end gear, cinematic ang kalidad, at walang tinipid sa production, kaya bawat eksena, ramdam mong premium.
So, game?! Maiba naman!
Comentários