top of page
Search

After mag-kiss at mag-holding hands… DOMINIC AT SUE, MAGKAYAKAP NA SA PICTURE

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 24, 2025





Spotted sina Dominic Roque at Sue Ramirez sa birthday party ni Khalil Ramos at muli silang nagpakilig sa kanilang mga shippers. 


Hindi lang sila magkatabi sa photo at lalong hindi lang magka-holding hands, magkayakap pa ang dalawa habang nakayakap din kay Khalil ang girlfriend nitong si Gabbi Garcia.


In fairness, ang layo na ng narating ng relasyon nina Dominic at Sue mula nang mag-viral ang photo nila na parang nagki-kiss sa isang bar sa Siargao. 


Kasunod noon, nakita silang naglalakad na magka-holding hands at nasundan pa ang mga larawan nilang magkahawak-kamay.


Ngayon, magkayakap na ang dalawa, kaya natutuwa at kinikilig ang mga DominSue shippers. Wish nilang ang dalawa na ang may forever, magkatuluyan at kung puwede raw ay magpakasal na dahil nasa right age na sila.  


Sa simula pa lang, ang dami nang pabor sa relasyon nina Dominic at Sue, magaan daw silang tingnan at ramdam na magkasundo sa maraming bagay. Higit sa lahat, bagay na bagay daw ang dalawa.


 

11 yrs. nang single, todo-enjoy daw… 

JEAN, AYAW NA NG LALAKI 





Hindi pa lumalabas ang karakter ni Jean Garcia sa Lolong: Bayani ng Bayan (LBNB) bilang si Donna Banzon. 


Dahil kontrabida siya sa Season 1 ng adventure–action series, expect na kontrabida rin siya sa series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Although, hindi raw agad malalaman kung magiging kakampi o kalaban siya ni Lolong (Ruru).


“A different Donna Banzon ang makikita ninyo rito. May pasabog at excited ako. Pinaghandaan ko ito, magugulat ang viewers,” excited na sabi ni Jean.

Mahigit 50+ ang cast ng Lolong at okay ito para kay Jean dahil marami ang nabibigyan ng trabaho, lalo na ‘yung staff at crew.


Aniya, “Ang daming may trabaho at blessings ito sa aming lahat. Well distributed naman ang mga role at exposure namin. Bilib ako sa creatives at kina Director Rommel Penesa at King Marco Baco.”


Ayaw na ni Jean ng love life, “Hindi enjoy ‘yun. Ine-enjoy ko ang pagiging single ko, pero masaya ako. Wala akong pinoproblema, enjoy lang. Pa-travel-travel na lang tayo at mag-alaga ng mga apo. Ang last relationship ko ay 2014 pa, 11 years ago, hindi ako naghahanap at sabi ko nga, ayoko na ng love life,” wika ni Jean.


 

NAKAPAG-MOVE on at may kani-kanya nang love life ang mag-ex na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi. Masaya si Kyline sa piling ni Kobe Paras at masaya si Mavy sa piling ni Ashley Ortega. Dapat ang mga fans, masaya rin para sa two couples.

Kaya lang, napapansin namin na may mga fans na bitter pa rin at ang bina-bash ay sina Kobe at Ashley. May tumawag na “pangit” kay Ashley at si Kobe naman ay puro tattoo

raw. 


Mayroon namang pinagkumpara sina Kobe at Mavy at nakakatawa minsan ang argumento ng mga hindi pa rin matanggap na break na sina Mavy at Kyline at may bago na silang pag-ibig.


May nakakatuwang comments naman na marami raw ang na-stress nang i-flex ni Mavy si Ashley at pinuri ang aktor dahil matapang daw. 


Hindi lang basta ifinlex ni Mavy si Ashley, kita n’yo naman sa mga larawan, magka-holding hands sila at panalo ‘yung picture na si Ashley ang nakaakbay kay Mavy.


May mga nagpapayo naman kay Mavy na ingatan at mahalin si Ashley dahil mabait ito, ‘wag sasaktan at paiiyakin. May natuwa na mukha ni Ashley ang makikita sa Instagram ni Mavy at may nagbiro na napaaga ang Valentine’s Day sa dalawa dahil sa soft launch ng kanilang relasyon habang nasa Cebu.


Sigurado raw na masaya ang Valentine’s Day ng dalawa at sana lang, walang magkumpara kung kaninong Valentine’s Day ang mas masaya.  


Pero pustahan, may magkukumpara kung sino kina Mavy at Ashley at Kyline at Kobe ang mas bongga ang Valentine’s Day celebration.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page