ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 13, 2025
Pati ang mga non-fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, nagtatanong kung bakit wala nang balita sa dalawa. Wala na raw bang ganap ang KathDen at bigla silang nanahimik?
Baka raw pati communication, wala na rin sa dalawa. Hindi na sila nakikita na magkasama at talagang zero news sa kanila.
Tanong nga ng mga fans, may Christmas at New Year’s greetings ba sila sa isa’t isa sa nakaraang taon? Hinanap din ang birthday greetings ni Kathryn kay Alden na nag-birthday nitong January 2, 2025 at pati sa birthday party ng mom ni Kathryn, wala rin si Alden, gayung close ang aktor dito.
Na-disappoint ang KathDen fans sa biglang tila nanlamig na friendship nina Alden at Kathryn. May nangyari raw ba sa dalawa at bakit parang hindi na sila magkaibigan?
May lumutang na tsika na basted daw si Alden kay Kathryn. Sagot naman ng mga fans ng aktor, parang hindi naman nanligaw ang aktor kay Kathryn, kaya paano siya mababasted?
Ang malinaw, wala silang relasyon at parehong “single” ang kanilang status. Masaya naman sila, kaya hayaan na natin.
Kahit break na… BARBIE AT JAK, ‘DI PA NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA
Magkaiba sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa pagha-handle ng breakup. Si Barbie, solong nagkakape at kung may kasama man na pumapasok sa mga coffee shop, hindi nagpapakita. Ang ipino-project ay solo lang ang aktres habang nagkakape at nagbabasa ng libro.
Kahapon, nanood si Barbie ng Isang Himala (IH) sa Cinema ‘76 at wala siyang binanggit na kasama sa panonood ng movie ni Aicelle Santos.
Samantalang si Jak, laging may kasama at surrounded with friends sa kanyang mga ganap. Nang manood ng New Year Countdown sa Makati City, he was with friends kabilang si Gab Valenciano.
Spotted din si Jak na nag-scuba diving kasama pa rin si Gab at si Aiah Ancheta ng BINI. Marami sila sa grupo, kaya mabilis namatay ang isyu kina Jak at Aiah. Pure fun lang naman talaga ang scuba diving na ‘yun.
Magge-guest si Jak sa Wheeltek at Kawasaki event sa Cebu para sa Sinulog 2025 celebration at makakasama niya pa rin si Gab at si Dominic Roque. Tanong tuloy ng mga fans, ayaw ni Jak mag-isa at busy siya sa mga ganap.
Pagdating naman sa career, iba ang kasama ni Barbie sa movie niyang P77 na showing this year. Malamang may gagawin itong series sa GMA-7 dahil inire-request ng mga fans na muli silang magtambal ni David Licauco.
As for Jak, wala pa siyang bagong project sa GMA at kung magkakaroon man, siguradong hindi si Barbie ang makakapareha. Kani-kanya muna sila ng buhay at career.
Hindi lang maiwasan ng ilang JakBie fans na umasang magkakabalikan sina Jak at Barbie dahil hindi pa sila nag-a-unfollow-han sa Instagram (IG). Hindi pa rin nila idine-delete ang photos nila sa kani-kanyang IG.
NAGBAKASYON sa Dubai sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at isinama nila ang mga anak na sina Zia at Sixto para nga naman mas masaya ang kanilang bakasyon.
Sa mga photos na lumabas, hindi nagpatalo ang mga anak sa pagpo-pose, lalo na si Zia na alam mag-project.
Sa Dubai ang prenup photoshoot nina Marian at Dingdong noon. After 10 yrs., nagbalik sila sa the same place at ang kaibahan, may dalawa na silang anak. Kaya may caption si
Marian na “same-same, but different” at ipinost din ang photo nila ni Dingdong na hindi pa sila kasal at photo na kasal na sila.
Kaya tama ang post ni Marian na, “Making memories that will last a lifetime with my favorite people.”
After ng renewal ng vows of their 10th wedding anniversary lumipad pa-Dubai ang Dantes family. Puwedeng sabihing anniversary gift nila ang kanilang Dubai trip.
Comments