top of page
Search
BULGAR

After lumaya… RICARDO, BALIK-BATANG QUIAPO NA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Oct. 13, 2024



Photo: Ricardo Cepeda - FB


Balik-taping na sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) si Ricardo Cepeda sa karakter na Mr. Wu na karakter din niya noon sa My Binondo Girl (2012) kasama sina Kim Chiu at Xian Lim.

Naikuwento ito nina Richard at Marina Benipayo sa vlog ni Tintin Bersola-Babao na napapanood ngayon sa YouTube (YT) na sobrang blessed nila dahil balik-work na agad ang actor.


Pinuntahan nina Tintin at Julius sina Richard at Marina sa bahay nila at kinumusta at nabanggit nga na marami silang dapat ipagpasalamat dahil hindi sila pinabayaan ng Diyos at ng mga taong nakatulong sa kanila sa panahong nasa Cagayan Provincial Jail siya sa Tuguegarao City.


“Kumusta na kayo ngayong magkasama na ulit kayo?” tanong ni Tintin sa mag-asawa.

“Heto, nagkukulitan, ito lagi ang ginagawa namin, nagkukulitan kami,” sabi ni Ricardo.

Hindi raw mahilig lumabas o gumimik ang dalawa at hindi rin sila nanonood ng sine.


Mas gusto raw nilang magbakasyon at magtutulog para makapahinga nang todo.

“Pero bigla s’yang tinawagan sa Batang Quiapo. Kaya sabi ko, ‘Mag-taping ka na muna, saka na ang bakasyon,’” sabi naman ni Marina.


Nang ipalabas ang panayam nina Ricardo at Marina ay nakapag-taping na ang aktor sa BQ pero hindi pa raw sila nagkikita ni Coco Martin dahil doon siya sa set ni Direk Malu Sevilla.


“Sabi nga nila, ‘Welcome back.’ Sagot ko naman, ‘I’m back, b*tches,’” tumawang kuwento ng actor.


Dalawa na lang pala sa bahay nila sina Richard at Marina dahil may mga pamilya na ang kanilang mga anak at lolo’t lola na nga raw sila.


 

“ANG guwapo ni Nadine, mukha siyang Japanese,” ito ang ilan sa mga nabasa naming reaksiyon ng mga netizens para sa bagong hairstyle ng aktres na si Nadine Lustre.

Kalat sa TikTok ang video ni Nadine habang ginugupitan at inaayusan ng buhok bago siya rumampa for BSY fashion week ng Metro Magazine.


May video pang rumarampa si Nadine na nakasuot ng ternong suit na kulay apricot kasama ang ibang modelo.


Dinaanan din ng camera ang boyfriend ni Nadine na nasa harap at pasimpleng kinukunan siya ng picture.


Sabi ng kumuha ng video, “A supportive boyfriend spotted.”

Anyway, naaliw kami sa mga komento ng mga netizens at supporters ng aktres at narito ang ilan:


“How to unseen Gulf Kanawut from her side profile, gwapo na maganda pa, rawr…”

“Bat parang hawig n’ya si Kylie Jenner.”

“Grabeng face card naman po n’yan Ms. Nadine.”

“Poganda (poging maganda) ni Nadine.”

“‘Pag ako nag-ganito ng buhok, pagtatawanan ako sa bahay, pero s’ya, bagay sa kanya.”

“Mas bagay sa kanya lips n’ya ngayon, saktung-sakto. Sobrang ganda ang angas.”

“Hindi ko nakilala, si Nadine Lustre pala ‘yan.”

“PRESIDENT NADINE.”

“THE SUBSTANCE YOU QUEEN!!! IT'S UNMATCHED!!!!”

“Galing ng glam team, bagay na bagay ang make-up.”

“Akala ko kamukha ni Nadine. Si Nadine pala.”


Bumagay nga kay Nadine Lustre ang bago niyang hairstyle, ang hot!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page