top of page
Search
  • BULGAR

After kumalat na hiwalay na raw… CRISTINE, IPINAGSIGAWANG MAHAL SI MARCO

ni Beth Gelena @Bulgary| August 16, 2024



Showbiz News
Photo: Marco Gumabao at Cristine Reyes

Ang daming nagtatanong, bakit daw deactivated na ang Instagram (IG) account ni Cristine Reyes? Wala rin umano ang aktres sa 30th birthday celebration ng boyfriend na si Marco Gumabao.


Umiikot tuloy ngayon ang bulung-bulungan na hiwalay na rin ang celebrity couple.

Sey naman ng mga commenters… “She has another account, it’s private.”


“Sayang! Rooting for you two.”


“Sabi na, ‘di magtatagal, eh. Problematic si girl, problematic din si boy.”


Pero matapos pagpiyestahan ang pagde-deactivate ni Cristine ng kanyang account at ang paghihiwalay daw nila ni Marco, napanatag naman ang mga fans nila nang mag-post si Cristine sa kanyang Facebook account ng picture nila ni Marco na may caption na "Mahal ko 'yan. 30 na 'yan siya."


So 'yun na! 


 

KINUMPIRMA mismo ni Jericho Rosales ang relasyon nila ni Janine Gutierrez na ex ni Paulo Avelino.


Inamin ito ng aktor sa press conference ng upcoming series nila na Lavender Fields (LF) kamakailan. 


Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nag-decide umano si Echo na maging parte ng production at kalaunan ay na-develop kay Janine.


“I first decided to join the project because I was really, really so into the production team and everyone, and then I realized I was so into [Janine]…. She’s an amazing person, very sweet, very kind, very funny, and very dedicated, very good actress,” ani Echo.


Pagbabahagi pa ng aktor, marami raw silang a lot in common ng aktres lalo na kapag magkasama silang lumalabas. 


Komento ng mga netizens, “Suwerte ni Janine, ‘di s’ya idinenay ni Echo. Real gentleman.”

“But he is still married.”


“Matagal na silang divorced, naging low key lang sila ni Kim (Jones).”


“May nanalo na, #EchoNine, tapos na ang pila.”


“‘Yan ang tunay na nagmamahal, umaamin.”


 

Kinakatok na raw sila sa kuwarto

para magpa-selfie…

BINI GWEN: FANS, PALALA NA NANG PALALA! 


BINI Gwen

NAG-REACT si Lea Salonga sa post ni BINI Gwen Apuli tungkol sa mga fans. 

Ayon kay Gwen, may kumatok umano sa kuwarto nila para lang magpa-picture. Ipinost ni Gwen ang ginawa ng mga fans at nag-viral ito. 


Aniya, may mga fans daw na hindi nakikita ang boundaries na kailangan nila ng personal space sa kanilang buhay.


“Nakakalungkot, palala na [nang] palala,” aniya sa post na inayunan naman ng kapwa niya BINI members na sina Aiah Arceta at Maloi Ricalde. 


Need din naman daw nila ang privacy, respect at pahinga. At sana raw ay maintindihan sila ng mga fans. 


Sey ng isang fan, “I’m so sorry about what happened to you at the hotel, Gweny.”


“Eto yata ‘yung bagong post ni Gwen sa X (dating Twitter), eh."


“May mga fans na inaalam location nila, tapos ‘yung iba, kinakatok na room ng girls para magpa-picture. ‘Yan din ‘yung nangyari kay Aiah last time.”


Nag-react ang Broadway singer-actress na si Lea Salonga. Ini-repost niya ang post ni Gwen at nilagyan ng highlight, “Respect boundaries. The ladies of BINI are human beings,” aniya. 


Naranasan din kasi ni Lea last year ang ginawa ng mga fans na pumasok sa kanyang dressing room na para sa kanya ay napaka-rude at disrespectful.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page