ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 21, 2024
Photo: Dom at Sue - Circulated
Muling nakitang magkasama sina Dominic Roque at Sue Ramirez sa Siargao kamakailan.
Kumalat ang bagong video ng dalawang celebrities na magkasama sa nasabing isla matapos pagpiyestahan ang unang viral kissing video nila.
Ibinunyag ni Ogie Diaz na bumalik si Dom sa Siargao matapos ang block screening ng pelikula ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again kung saan isa sa mga dumalo ang ex-BF ni Bea Alonzo.
Sa pinakabagong episode ng Showbiz Updates nitong Lunes, ibinahagi ni Ogie ang natuklasan mula sa kanyang source.
"Ayon sa aking source, hindi ko alam kung totoo ito, pero ngayong Nobyembre 18, nasa Siargao ulit si Dominic Roque," ani Ogie.
Naiwan daw doon si Sue, na matagal nang naroroon simula pa noong Oktubre.
Sa kabila ng mga kontrobersiya ay tahimik lang sina Dominic at Sue hinggil sa kanilang isyu.
Sa pag-ingay ng pangalan ng dalawa ay naglabas ng paglilinaw ang ex ni Sue na si Mayor Javi Benitez para kumpirmahin na apat na buwan na silang hiwalay ng aktres.
Dumarami naman ang sumusuporta kina Dominic at Sue sakali mang maging sila dahil ayon sa kanilang mga followers ay pareho naman silang single at pareho ring deserve na lumigaya.
'Wag na raw magpauto uli, mister, may iba nang nabuntis… XIAN GAZA KAY AI AI: AFTER KANG GAMITIN, INIWAN KA NU'NG SENIOR CITIZEN KA NA
May open letter si Christian Daza para kay Ai Ai delas Alas na naka-post sa kanyang Facebook account.
Ito ang letter ni Gaza para sa komedyanang aktres:
"Madam, may nabuntis na pong iba ‘yung asawa mo. Wait mo na lang na i-reveal ‘yung bata next year. Ganyan po talaga ang buhay, matapos kang gamitin para umasenso sa life at magkaroon ng green card sa US, iniwan ka na lang basta-basta noong ikaw ay senior citizen na. Ayaw na po niya sa matanda kaya ngayon ay ipinagpalit ka sa mas bata. Ang importante po ay naging masaya ka sa piling niya for the last 10 years. Time will heal you, Madam.
Huwag ka na pong magpauto ulit, ha? Enjoy-in mo na lang po ‘yung buhay single mo. Fling-fling na lang. Tikim-tikim na lang. Huwag ka na pong magpagamit ulit sa mga kaedad namin dahil pera lang po ang habol namin sa matatanda. Sayang lang po ‘yung feelings, pera at oras na ii-invest n’yo sa amin. Praying for you, Madam Ai Ai, and God bless po sa bagong chapter ng iyong buhay. -- Xian Gaza"
Ang reaksiyon ni Ai Ai sa open letter ni Gaza, "Christian Albert Gaza PM mo naman ako, ‘di ako maka-comment sa page mo, eh, hehehe."
Samantala, wala pa ring pahayag ang mister ni Ai Ai delas Alas na si Gerald Sibayan na nakipaghiwalay daw sa komedyana dahil ‘di na siya masaya at gustong magkaroon ng anak.
Nag-celebrate ang former Bb. Pilipinas 2020 na si Rabiya Mateo ng kanyang 28th birthday kamakailan.
Ani Rabiya sa kanyang Instagram page, "Feeling blessed at 28! Cheers to the amazing years of my life."
Aniya pa, "Learning, growing, and improving."
Oo nga naman, bukod sa may career, masaya pa ang love life ni Rabiya at mukhang going stronger naman sila ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales.
Comments