top of page
Search
BULGAR

After isugod sa ospital dahil sa pagsusuka… GARY V., ITINULOY ANG SECOND NIGHT NG CONCERT SA ARANETA

ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 23, 2024



Photo: Gary V - IG


“I will be at the Araneta today (Sunday) . No weapon formed against me will prosper,” ang bumulaga ngang pahayag ni Gary Valenciano yesterday, Sunday, para sa kanyang second night ng Pure Energy: Once More (PEOM) concert. 


Sa first night kasi last Friday, maagang tinapos ang concert dahil sa pagsusuka ni Gary at hindi nito maayos na kondisyon. Nakaka-ilang kanta pa lang ito nang ianunsiyo niyang tatapusin na nang maaga ang show dahil sa masamang nararamdaman. 


Although may mga doktor naman daw na nakaantabay sa backstage gaya ng lagi nilang practice every time na may concert si Gary, last Friday’s incident was something else.


Marami ang nag-worry, lalo’t isinugod siya sa ospital that night sa pangunguna ni Angeli, his wife na consistently ay nagbibigay ng update sa lagay ng asawa. Good thing na agad naglabas ng medical bulletin at advisory ang kanyang doktor na nagbigay din ng clearance na okey na siya.


Kaya kagabi, Sunday, natuloy nga ang ikalawang gabi ng kanyang Pure Energy show kasama ang A-Team, Manoeuvres Ignite, Gab Valenciano, Kiana Valenciano, Joshua Zamora at mga special guest performers na sina W3, AC Bonifacio, Darren Espanto, Gloc 9, Jay Durias, at ang popular na P-pop group na SB19.


Hindi lang kami sure kung ‘yung mga guests niya last Friday gaya nina

Ogie Alcasid, Regine Velasquez Alcasid, Ice Seguerra, Rayver Cruz, BGYO at iba pa ay muling nag-perform.


Hindi pa rin kami sinagot ng aming napagtanungan kung ‘yung mga nabitin last Friday sa show ay bibigyan ng “once more” date to watch or what?


But for now, lahat ay nagagalak na nasa okey na kondisyon na uli ang Mr. Pure Energy at lubos na nauunawaan ng mga fans ang kanyang sitwasyon.


 

NOONG makasabay namin si Miles Ocampo na tumanggap ng award sa 2nd Southeast Asian Premier Awards (SAPA), tinanong namin ang lagay ng kanyang puso, lalo’t magpa-Pasko.


“Masaya naman, Kuya Ambet at hindi lalamig,” ang kanyang simpleng sagot sa amin.


At dahil nag-viral nga ang ‘kissing moment’ nila ni Elijah Canlas sa mismong kasal nina Jose at Mergene Manalo, aba’y mukha ngang hindi kasama si Miles sa may malalamig na Christmas. Hahaha!


Whether it was a confirmation of their being together or whatever they have right now ni Elijah, makikisaya na lang kami sa kanila dahil alam naming pure at totoo ang ipinakita nilang gesture sa naturang event.


Carried away man sila sa naging sweet moments that time, ramdam naming love is still in the air between them.


Since mabalitaan nating naghiwalay sila, wala namang naging involvement kahit kanino ang either party at nag-remain single sila until now.

What we see is what we get na ‘yan for sure. Hahaha!


At mas sure kaming gagawing date movies nina Miles at Elijah ang Uninvited at The Kingdom (TK). Uninvited dahil kasama ru’n si Elijah Canlas at TK bilang support ni Miles kay Bossing Vic Sotto.


 

After umamin ang BF… SUNSHINE, AYAW NANG MAGKUWENTO TUNGKOL KAY ATONG





“Ay, ‘wag na. Okey na ‘yun,” ang masayang ganting bulong sa amin ni Sunshine Cruz nang pabulong naming itanong dito na baka type niya kaming kuwentuhan sa ginawang pag-amin ni Papa Atong Ang bilang kanyang boyfriend now.


Nagkita kami ni Shine sa lamay ni Kuyang Ed de Leon na isa rin sa mga personal writer-friends ni Shine sa showbiz.


Marami siyang nai-share na tsika about kay Kuyang Ed at kung paano rin siya nito inalagaan at pinrotektahan, kaya’t dapat lang daw siyang magbigay-pugay at ng kanyang respeto rito.


At dahil close nga rin kami rito (pati na sa iba niyang mga pinsan at kaanak), kaswal na tsikahan kami siyempre sa mga nagaganap sa buhay-pag-ibig niya. Hahaha! Eh sinabi pa naming close rin kami kay Papa A (Atong), kaya’t ‘yun na, nauwi sa mas masayang kantiyawan ang kuwento.


Very glowing ang aura ni Shine ngayon. Halatang inlabey din ang napaka-sexy at gorgeous friend natin.


“Happy Holidays, Ambet,” ang text pa nito sa amin after niyang makaalis sa lamay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page