ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 1, 2024
Yehey, according to some showbiz Marites ay tipong aamin na sina Coco Martin at Julia Montes na meron na silang dalawang dyunakis. Ito ay matapos silang ibuking ni Willie Revillame sa Wil To Win show nito kamakailan lamang.
Hindi pa nga lang klaro kung aamin na sina Coco at Julia kung sila ba ay kasal na, as in secretly married, or not yet pa. Basta ang chika ng mga Marites at Mosang ay isang babae na edad 4 at isang lalaki na edad 2 ang anak nina Coco at Julia kahit hindi pa sila umaamin.
Sa kabila ng pagkakadulas ni Willie ay obyus na may epekto ito sa couple. Ilang araw na kasing ipine-flex ni Coco ang mga larawan nila ni Julia na kuha sa kanilang travel abroad. Nagpunta sila ng Qatar recently.
Ang tanging caption ni Coco ay red heart emoji pero naka-tag si Julia. Ikinakilig naman ng mga netizens ang mga social media posting ni Coco.
Anila, mukhang pinaghahandaan na raw nina Coco at Julia ang pagsasapubliko ng kanilang relasyon.
Mangyari kaya ang paunang pag-amin sa idaraos na event para sa promosyon ng teleseryeng Saving Grace kung saan bida si Julia Montes?
Well, let’s wait na lang, okidoki?
Nakilala na ang mga unang nahaharap na ma-evict sa Bahay ni Kuya matapos mapasama sa first batch of nominees sina Therese, Noimie at Dylan sa Pinoy Big Brother Gen 11 (PBB Gen 11).
Sa nagdaang episode nu'ng Linggo (Hulyo 28), dumaan sa unang nomination ang 15 housemates ni Kuya, kung saan nanguna sa mga nominado ang “Determined Daughter ng Camarines Sur” na si Therese Villamor na nakakuha ng 13 points.
Nominado rin ang “Mombitious Chikadora ng Lithuania” na si Noime Steikunas, na may 12 points.
Samantala, napatawan naman ng automatic nomination ang “Astig VolleyBae ng Pampanga” na si Dylan Yturralde matapos magdesisyon ang housemates na mapasama siya sa listahan ng mga nominado bilang resulta sa nabigo nilang weekly task.
Sa unang linggo nila sa PBB house, humarap ang housemates sa samu’t saring pagsubok, kabilang ang pagbaha sa Bahay ni Kuya dahil sa hagupit ng Bagyong Carina at ulang Habagat. Agad din silang nag-alay ng awitin bilang inspirasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.
Pinuri naman ni Kuya ang kanilang katatagan at pakikipagtulungan, at inanunsiyong silang lahat na house guests ay magiging opisyal na housemates ng PBB Gen 11.
Sino kaya kina Therese, Noimie, at Dylan ang unang lalabas sa Bahay ni Kuya?
Alamin sa unang eviction night ng Pinoy Big Brother Gen 11 sa Sabado (Agosto 3) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z, at TV5.
Comentários